39

19.5K 439 54
                                    

❤Chapter 39❤

"FUCK!!" mura ko ng makita ko nanaman ang pinadalang larawan ni Lucas sakin. Una ay ang masayang kwentuhan ng asawa ko at nang kapatid ko. Yung sumunod ay yung nakayakap ang kapatid ko sakanya sa may hagdanan.


Dali dali kong tinawagan si Lucas. Naiinis na talaga ako. Parang hindi ko na mahihintay pa ang bukas para makauwi.



[Sir. Kamusta.] eto dahil sayo. Nababaliw na ako. Piping sagot ko.



"May gana kapa talagang mangumusta ha?! Hindi ba sabi ko sayo bantayan mo ang asawa ko?! Bakit kapatid ko ang nag aasikaso sakanya?!" inis na sabi ko. Kung nasa harap ko lang si Lucas. Baka nasakal ko na sya.


[Ang sweet nga sir eh. Ikaw kasi eh. Inaway mo pa si Mam Steph. Ayan tuloy imbis na sya kausap mo. Ako ang tinatawagan mo para lang makamusta sya.] napabuntong hininga nalang ako nang marinig ko ang sinabi nya. [Sir. Hindi naman po sa nakikielam ako. Pero nakita ko po kung paano magmakaawa si Mam Steph sa inyo. Sa totoo lang po. Mas boto na ako kay Sir Vhan kesa sa inyo. Tutal magkamukha naman kayo at mas bagay sila dahil ang sweet sweet nya kay Mam Steph. Kayo Sir? Anu sa palagay nyo? Bagay ba sila?]


Damn you Lucas! Humanda ka talaga sakin!


"Seryoso kaba sa tanong mo na yan?! Asawa ko ang pinag uusapan natin dito Lucas! What the hell on earth at tinatanong mo ako kung bagay silang dalawa?! Malamang hindi! Dahil mas bagay kaming dalawa!!" pikon na pikon na talaga ako kay Lucas. Gusto ko syang sakalin hanggang sa mawalan na sya ng hininga.



[Eh magkamukha naman kayo Sir kaya bagay din sila..] hindi ko alam kung nang iinis ba si Lucas o hindi. Pero tangna! Naiinis ako!



"LUCAS!"


[Ehehe sir. Sabi ko nga kayong dalawa ni Mam Steph yung bagay. Ah Sir. May sasabihin pala ako.]



"Siguraduhin mo lang na matutuwa ako dyan Lucas."



[Tinanong po ni Mam Steph kung ano ang pinag uusapan natin kapag tumatawag ka. Sabi ko kinakamusta nyo kung buhay pa ba sya.]


Bago pa man ako makasagot ay pinatay na nya ang tawag.


Naku Lucas. Mapapatay na talaga kita.



Dali dali akong lumabas para puntahan si Eizelle. Kailangan na nyang pirmahan ang kontrata para makauwi na ako at makasama ang asawa ko.


"Eizelle. Sign the contract now. Kailangan ko ng umuwi." bungad ko pagbukas palang nya ng pintuan.



"Dont worry. Ngayon na ang uwi natin. Pipirmahan ko na yan. Pero mangako kang bago ka umuwi sa asawa mo. Sasamahan mo muna akong magdinner. May pinareserve na ako sa five star hotel sa pilipinas. Kaya sana wag mong sayangin. Dun ko din ibibigay ang surprise ko sayo." napabuntong hininga ako. Tutal last naman na ito. Kaya pagbibigyan ko na ang kabaliwan nya.


"Okey."


_____
STEPH POV

"Ngayong gabi na pala ito?" tanong ni Vhan sakin.


"Oo eh. Hindi nga ako sure kung nagkamali ba yung naglagay nyan o para talaga satin dalawa yan." sagot ko



"Bakit walang pangalan kung sino ang nagpadala?" kunot noong tanong ni Vhan habang tinitingnan ang invitation card.



"Oo nga eh. Ang nakalagay lang dyan yung venue pati oras. Sa palagay mo dapat paba tayong magpunta?" tanong ko sakanya.



"Wag kang pupunta Steph." tila may nabakasan akong galit sa tinig nya. Hindi ko alam kung para saan o para kanino.



MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon