12

25.9K 604 16
                                    

[A/N : HAPPY VALENTINES DAY ❤.. SA MGA SINGLE MAGBASA NALANG KAYO SA WATTPAD! KIKILIGIN PA KAYO! XD]

***
❤Chapter 12❤

Nang makarating ako sa bahay ay nakapatay na ang ilaw sa may sala. Tulog na lahat ng nasa bahay dahil mag aalauna na nang madaling araw.



Umakyat ako papunta sa kwarto ko. Pipihitin ko na sana ang knob ng mapatingin ako sa kwarto ni Steph. Bakit ganito. Sinasabi ng isip ko na dapat akong magalit sakanya. Pero may bahagi ng pagkatao ko na ayaw sumunod.



Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kwarto nya. Hindi ko alam kung gaano naba ako katagal nakatayo sa may pintuan nya ng mapagdesisyunang pihitin ang knob nito. Mabuti nalang at hindi naka lock.



Dahan dahan kong binuksan ang pintuan upang hindi ito makagawa ng anumang ingay. Magaan din ang mga hakbang na ginawa ko papalapit sa kama ni Steph. Malinaw kong nakikita ang maamo nyang mukha dahil sa liwanag na nagmumula sa lampshade na nasa tabi ng kama nya.



"Napakaamo ng mukha mo Steph. Kaya hindi ko lubos maisip na ganung klase kang babae. Pinakasalan mo ako pero sa ibang lalaki ka nagpapagamit." habang sinasabi ko yun ay nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib ko at bahagyang kirot galing sa loob nito.



Napansin ko ang natuyong luha na nasa pisngi nya. Pinahid ko ito gamit ang hinalalaking daliri ko.




"Wag kang umiyak Steph. Hindi lang ikaw ang nahihirapan satin dalawa. Nahihirapan ako dahil gustong gusto kitang iwanan. Ngunit hindi ko magawa dahil ayaw kong ang pamilya ko ang mamuhi sakin. Mas mabuti pang kamuhian natin ang isat isa ng sa ganun ay maisip mo na ayaw ko talaga sayo."



Nang bumaba ang mata ko sa nakaawang na labi ni Steph. Nandun padin ang pakiramdam na gusto ko syang halikan. Ipinilig ko ang ulo ko upang maalis ang anu mang pagnanasa na nararamdaman ko para sakanya.


"Youre the girl i hate the most Steph." tumalikod ako at naglakad palabas sa kwarto nya.




Huminga ako ng malalim para kumuha ng hangin. Dahil biglang bumigat ang dibdib ko pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun.

***

❤STEPH POV❤


Wala akong ibang ginawa kundi ang tangisan ang nangyayari samin ni Ivan. Sobrang nalulungkot ako dahil kahit anong pilit kong ipakita sakanya na mahal ko sya, hindi nya padin makita dahil masyado na syang nabulag ng galit nya dahil sa akin.



Mali ba ang ginawa ko na piliin sya? Mahal ko sya kaya gusto ko syang makasama. Makasarili ako dahil hindi ko isinaalang alang ang nararamdaman nya. Mahal ko sya pero hindi nya naman ako mahal. Napilitan lang sya dahil sa magulang nya.



Ipinikit ko ng mariin ang mata ko ng maramdaman ang marahang pagbukas ng pintuan. Sigurado akong si Ivan na ang pumasok at hindi si Vhan dahil madaling araw na. Bakit kaya? Papatayin naba nya ako?




Habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi nya. Pinipigilan ko ang mga luha kong tumulo. Mabuti nalang at nakisama sila. Bakit ba iniisip ni Ivan na may nangyayari samin ng kapatid nya? Ganun ba ako kalandi sa paningin nya?




"Youre the girl i hate the most Steph." rinig kong sabi nya. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagsara ng pintuan.




Dumilat ako kasabay ang pagtulo ng mga luha ko.






"Alam ko Ivan. Hindi rin naman ako
umaasa na mamahalin mo rin ako."

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon