[A/N : SORRY KUNG NGAYON LANG AKO NAKAPAG UPDATE GUYS.. NAGKASAKIT KASI AKO. KAILANGAN KO ANG FEEDBACK NYO GUYS.. PARA NAMAN MAGKAROON AKO NG INSPIRASYON PARA SA FINAL CHAPTER.. ENJOY READING!]
****
❤Chapter 54❤
Matapos kong marinig ang sinabi ni Ivan ay hinigit ko ang batok nya at siniil sya ng halik sa labi. Wala na akong pakielam kung may makakita samin. Nung una ay hindi kaagad tinugon ni Ivan ang halik ko ngunit kalaunan ay bumigay nadin.
Alam nyo ba yung feeling na sa sobrang saya mo hindi mo alam kung paano ka mag rereact. Yung sa sobrang saya parang tumigil ang pag ikot ng mundo mo at tanging sya nalang ang nakikita mo? Yung feeling na tumahimik ang paligid mo at tanging mga tibok ng puso nyo lang ang naririnig mo? Yan yung nararamdaman ko nang mga oras na to.
Parehas kaming kinakapos ng hangin ng magbitaw ang mga labi namin.
"Yung sinabi ko. Totoo yun Steph. Maaaring di ko nga mapantayan ang pagmamahal sayo ng kapatid ko. Pero mahihigitan ko yun." nakangiting sabi ni Ivan habang iniipit sa may tenga ko ang takas kong buhok.
"Hindi mo naman kailangan higitan Ivan. Dahil kahit konting pagmamahal basta galing sayo. Okey na sakin."
"Hindi sapat ang konti para sayo Steph. Kung nasusukat nga lang ang pagmamahal. Baka kulangin ang lahat ng panukat na meron sa mundo. Masukat lang ang pagmamahal ko sayo."
"Ang korni na."
"Ganun daw talaga kapag nagmamahal. Nagiging korni." nakangiting sabi nya.
Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa sasakyan nya. Masaya ako dahil lahat ng pangarap ko natupad na. Yun nalang kasi ang kulang sa buhay ko eh. Ang mahalin ako ng lalaking mula pagkabata ko palang ay minahal ko na.
___
VHAN POV
Masokista ba ako?
Tanga ba ako?
Sa palagay ko ang sagot ay "Oo"
Naglakad man ako palayo sakanya ngunit di ko napigilan ang sarili kong lingunin syang muli. At anong nakita ko?
Isang eksena na dumurog ng todo sa puso ko.
Alam nyo ba yung pakiramdam na makita yung taong mahal mo na may kahalikang iba? Alam ko rin na wala ako sa lugar para makaramdam ng panibugho. Pero yun ang naramdaman ko ng mga oras na yun.
Nang hindi ko na makayanan ay tuluyan ko ng binuksan ang pintuan ng kotse ko at sumakay. Pinaandar ko ito palayo sakanila. Palayo sa kapatid ko at sa babaeng mahal na mahal ko.
____
IVAN POV
Unti unti kong dinilat ang mga mata. Napakasarap talaga sa pakiramdam na una mong magigisnan ang babaeng mahal na mahal mo.
Hinaplos kong ang pisngi nya. Habang ginagawa ko yun ay tila naman naging isang pelikula ang mga ala ala ng nakaraan. Yung mga panahon na dinedenay ko pa sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko para sakanya.
Highschool ako noon. Madalas akong papalit palit ng girlfriend dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Galit ako kay Steph pero sya parin ang hinahanap hanap ko. Sinubukan kong humanap ng babaeng kagaya nya pero fuck! Hindi rin gumana. Kasi sya talaga ang gusto ko. Pero di ko maamin noon sa sarili ko yun dahil sa nakikita kong sweetness nila ng kapatid ko. At kumalat pa nga sa eskwelahan namin noon na magkarelasyon sila.
BINABASA MO ANG
MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETED
General FictionKasal. Ang kasal ay isang napakasagradong okasyon na minsan lamang mararanasan ng isang babae. Ito ang espesyal na araw kung saan ay makakasama na nila habang buhay ang lalaking minamahal nila. Ngunit hindi para kay Stephanie. Oo ang lalaking makaka...
