49

18.7K 364 36
                                    

❤Chapter 49❤

Naging abala ako nung mga sumunod na araw. Gusto ko kasing maging maganda ang birthday ni Ivan. Ngunit sinekreto ko lamang sakanya ang plano ko. Lalong lalo na at may sorpresa ako sakanya.

Matapos kong makausap ang mag seservice ng catering sa birthday nya ay dumiretso na ako sa opisina. Ilang araw nadin kasi akong absent. Mabuti nalang at nandun si Theo para pumalit sakin pansamantala.


Panay ang bati sakin ng mga empleyado ko ng makita nila ako. Nginitian ko naman sila. Dumiretso ako sa opisina ko ngunit hindi ko pa man tuluyan nabubuksan ang pintuan ay narinig ko na kaagad ang galit na boses ni Theo.

"Where the hell are you? I told you not to leave the house! Youre so stubborn woman. I think you deserve some punishment!" nang maramdaman kong wala na syang kausap ay nilakihan ko na ang pagkakabukas ng pintuan.


"Theo." nakita ko syang nakahawak sa sintido habang nakapikit ngunit kaagad din naman nagdilat ng marinig nya ang pagtawag ko.


"Steph."


"May problema ba?" tanong ko habang papalapit sakanya.


"Wala naman. Ahm. Tutal andito kana man na. Pwede na siguro akong umalis. May aasikasuhin lang ako." seryosong sabi nya. Binigyan ko naman sya ng isang makahulugang ngiti. Sigurado ako si Eliana ang pupuntahan nya. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa kanila dalawa.


"Tss. Para kang sira Steph. Hindi mo bagay ang ngumiti ng ganyan." tukso ni Theo sakin.


"Ikaw ang parang sira satin dalawa. Kunwari inaaway mo si Eliana. Pero ang totoo may paki ka naman sakanya. Baka nga may gusto ka na sakanya eh." bigla nalang napakunot ang noo ni Theo kasabay ng pagsimangot nya.


"Malabong magkagusto ako sakanya. Alam mo naman diba?"


"Oh Theo. Move on. Kung talagang mahal ka ng babae na yun. Sana hindi na aabutin ng halos pitong taon na matitiis nyang hindi man lang makipag komunikasyon sayo. At kung totoong mahalaga ka sakanya sana noon pa man binalikan ka na nya."


"Im still hoping na isang araw. Babalikan nya ako. Palagi lang naman akong naghihintay sakanya. At kahit gaano pa katagal magtitiis ako para sakanya. Dahil hanggang ngayon. Mahal ko padin sya kahit iniwanan nya ako. Alam kong naiintindihan mo ako. Dahil nagmamahal ka din." pagkatapos nyang magsalita ay tinalikuran na nya ako at naglakad papalapit sa pinto. Nang tuluyan na nya tong nabuksan ay nilingon nya ulit ako.


"Tell Ivan everything Steph. Before its too late."


Bago pa man ako makasagot ay nailapat na nya pasara ang pintuan. Naupo ako sa swivel chair at ginalaw galaw nito. Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Daddy. I need to tell him about my plan.


[Steph. Baby. How are you?"] bungad ni Daddy.

"Im perfectly fine Dad. Sorry kung naistorbo ko kayo."


[Its okey. Alam ko naman na importante ang sasabihin mo dahil hindi ka naman tatawag ng alanganin oras kung wala lang ito.] My dad really knows me.


"Dad. Pwede ba kayong umuwi ni Tyler dito two days before Ivan's birthday?" bigla naman natahimik si Dad dahil sa sinabi ko. Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko. Naka ongoing padin ang tawag. "Dad? Are you still there?" bigla naman akong nakarinig ng pagtikhim kaya nalaman kong naroon padin si Dad sa kabilang linya.


[So its true. You two are okey now. Giovanni told me that you and Ivan are living together again.] bakit ganoon ang nahimigan ko sa boses ni Daddy? Parang may pagkadismaya. [Are you going to tell h about your son?]


MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon