SPECIAL CHAPTER 1

16.9K 376 13
                                    

[A/N : DAHIL MAHAL KO KAYO KAYA ETO NA ANG PINANGAKO KONG SPECIAL CHAPTER NG MARRYING A HEARTLESS. PARA SA INYONG LAHAT TO. SANA SUPORTAHAN NYO DIN ANG IBA KONG STORIES. SALAMAT SA INYONG LAHAT! ^_^…]

THANK YOU NGA PALA alistair12 SA BOOKCOVER ^_^

ENJOY READING GUYS!

____
❤SPECIAL CHAPTER 1❤

"What's wrong with you Ivan!?" kompronta ko sakanya. Ilang araw ko ng napapansin ang malamig nyang pakikitungo sakin.

"Steph. Not now. Please. Pagod ako." sabi nya at dire diretsong pumasok sa may banyo.

Naiiyak nalang akong napaupo sa kama. Bumalik naba sa dati nyang ugali ang asawa ko? Nagsawa naba sya sakin?

Ang dami daming naglalaro sa isip ko dahil sa biglaang pagbabago nya.

Nitong mga nakakaraang araw ay palagi nalang syang late umuuwi. O di kaya naman ay sa tuwing kakausapin ko sya tila iniiwasan nya ako. Kahapon ay pinuntahan ko sya sa office nya para sana isurprise sya. Pero ako ang nasurprise kasi wala sya. Ilang araw nadaw na sandali lang si Ivan sa office nya tapos ay aalis din kaagad.

Paglabas nya ay padapa syang nahiga. Tila ba iniiwasan nyang makita ang mukha ko.

Bakit Ivan? Bakit ka naging ganyan.

Nahiga narin ako at sinubukan syang yakapin. Ngunit gumalawa sya na tila sinasabing tanggalin ko ang pagkakayakap ko sakanya. Tumalikod ako at palihim na umiyak. Nasasaktan ako dahil sa ginagawa nya. Ganito rin ang naramdaman ko nung mga panahon na halos pandirihan nya ako.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para ipagluto sila ng mga anak namin. Kahit naman may kasam bahay kami. Mas gusto ko padin na ako ang nagsisilbi sa kanila.

"Tyler. Tyra. Mamaya na kayo magcellpone. Mag almusal na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase nyo." sita ko sakanila dahil hindi nila ginagalaw ang pagkain nila.

"Mama? Umiyak kaba?" tanong sakin ni Tyra. Iniiwas ko naman ang tingin ko at ibinaling ito sa direksyon kung nasaan si Ivan na tila nagmamadali.

Tumayo ako at lumapit sakanya.

"Ivan. Hindi kaba mag aalmusal?" tanong ko.

"Hindi na. Sa office nalang." nagmamadali na syang lumabas. Ni hindi na nya nagawa ang bagay na nakagawian nya. Ang halikan ako at sabihin kung gaano nya ako kamahal.

Totoo nga ang kasabihan. Ang tao nagbabago kasama ng paglipas ng panahon.

Tumakbo ako papunta sa banyo at doon pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Ayokong ipakita sa mga anak ko na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ng ama nila. Ayokong mabahiran ang maganda nilang pagtingin sa relasyon namin.

Nang masigurado kong wala na ang magkapatid sa labas ay kaagad akong lumabas para magpalit ng damit. Kailangan ko ng mahihingahan ng sama ng loob.

Mabilis akong nagdrive papunta sa bahay nila Eizelle. Tama kayo ng nabasa Eizelle. Dalawang taon na kaming kasal noon ni Ivan ng makarecover na sya. Pinatawad ko na rin sya. Siguro iisipin nyo na uto uto ako. Pero hindi. Kahit nagawa sakin ni Eizelle yun ay tinanggap ko parin sya bilang isang kaibigan. Ngayon ay may sarili na syang pamilya. Yun nga lang. Karma is a bitch. Iniwan sya ng asawa nya dahil sa iba.

"Zelle." pagpasok ko palang ay niyakap ko na kaagad sya.

"Oh? Bakit? May nangyari ba?" magkasunod na tanong nya lalo na nung makita nya na umiiyak ako.

"Si Ivan. Pakiramdam ko may iba na sya." lumiit ang mata nya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Imposible Steph. Mahal na mahal ka ng asawa mo. Oo nga at nagawa nyang lokohin ka noon. Pero malabong mangyari yan ngayon. Ang lalaki na ng mga anak nyo. Ngayon paba nya maiisipan magluko?"

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon