GUYS! THANK YOU SA INYONG LAHAT. THANK YOU SA PAGSUPORTA NYO SA STORY NA TO!HAPPY 3.14k reads! Rank #61 na po ang MARRYING A HEARTLESS sa GENERAL FICTION ngayong araw!
Para sainyong lahat itong chapter nato.Wag kalimutan magvote at magleave ng comments at feedbacks nyo ^_^
❤Chapter 18❤
Nanginginig akong napahawak sa dibdib ko. Bakit parang ibang Vhan ang kaharap ko kanina. Sya ba talaga ang nagsabi nun? At ano daw? Sakanya lang daw ako?
Hindi alam kung paano ako nakarating sa classroom namin. Nandun si Vhan pero hindi ko magawang tapunan sya ng tingin. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga sinabi nya.
Palaisipan padin sa akin kung bakit itinatanggi nya ang ginawa nyang marka sa akin, gayong sigurado naman na akong sya ang may gawa nun.
"Huy!" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa ginawa ni Eizelle.
"Anu kaba naman! Balak mo ba akong patayin sa gulat hah?" inis na sabi ko sakanya.
"May problema kaba? Kanina kapa kasi nakatulala dyan eh." tanong ni Eizelle sabay tinabihan ako sa upuan. Vacant kasi namin ngayon.
Kung alam mo lang Eizelle kung gaano kalaki ang problema ko. Baka mawindang ka. Kung ako nga halos mabaliw na dahil naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Mas lalong nagalit sa akin si Ivan. Tapos dumagdag pa si Vhan sa problema ko. Hay. Kung kaya ko lang sanang sabihin.
"Okey lang ako Eizelle." pagkakaila ko
"Yung asawa mo nanaman ba ang problema mo?" nakataas ang kilay na sabi nya. Oo. Pati na din ang kapatid nya. Piping sagot ko.
"Bakit ba palagi nalang si Ivan ang naiisip mo kapag ganito ako? Hindi lang naman sya ang tao sa mundo noh." sagot ko sabay tingin sa labas. Nagbabakasali na matanaw ko si Ivan. Ang asawa ko.
"Exactly! Nakana mo! Hindi lang si Ivan ang tao sa mundo. Kaya bakit kailangan magtiis ka sakanya. Kung hindi mo na kayang tagalan ang kagaspangan na pinapakita nya sayo. Iwanan mo na sya. At gaya nga ng sinabi mo. Madaming tao sa mundo. Kaya madami pang lalaki. Di ka mauubusan." mahabang litanya ni Eizelle.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ako maintindihan ni Eizelle.
"Alam mo Eizelle. Kahit marami pang lalaki sa mundo. Nag iisa lang si Ivan. Kasi sya ang mundo ko." nakangiting sabi ko sakanya. Mahal na mahal ko si Ivan. Kahit sabihin pa ng iba na tanga ako. O manhid ako. Wala akong pakielam. Basta isa lang ang alam ko. Mahal na mahal ko sya. Lahat handa kong gawin at ibigay para sakanya.
"Argh! Nakakainis kana Steph! Bakit ba ang tanga tanga mo." naiinis na sabi ni Eizelle.
"Ganun naman talaga kapag mahal mo diba? Okey lang kahit na magmukha kang tanga basta para sa taong mahal mo."
"Hay! Saan kaya makakabili ng gamot para sa mga kagaya mo? Grabe teh! Ako ang nasasaktan para sayo eh." sabi nya sabay yakap sakin.
"Alam mo kahit nasasaktan ako. Masaya padin ako. Kasi kasama ko ang taong mahal ko. Kaya sana bilang kaibigan ko. Maging masaya ka nalang din para sakin." sabi ko sabay yakap pabalik sakanya.
"Hay. May magagawa paba ako?" sabi nya.
Salamat at may kaibigan akong katulad ni Eizelle na alam kong makakapitan ko sa oras na hindi ko na kaya.
"Halika na sa Cafeteria. Maglunch na tayo. Kanina pa ako nagugutom eh!" sabi nya sabay akay sakin palabas.
Habang naglalakad kami sa hallway. Nakita kong nagbubulungan ang ibang estudyanteng naroon. Okey. Anung meron?
"Zelle. Anung meron satin at kanina pa tayo pinagtitinginan?" takang tanong ko.
"Aba! Malay ko sakanila. Mga etchuserang froggy na yan!" sagot naman ni Zelle. Hanggang sa may bulungan kaming narinig na hindi nakaligtas sa pandinig namin.
"Kaya pala close sila. Mag asawa pala sila noh? " rinig kong sabi nung isa. Sino kaya ang tinutukoy nila?
"Oo nga. Ang swerte naman ni Stephanie kay Ivan Troy noh?" sagot naman nung isa. Teka. Ako ba ang pinag uusapan nila? At sino yung tinutukoy nilang swerte kay Vhan? Ako ba? Hindi ko napigilan at nilapitan sila para magtanong.
"Ahm. Excuse me. Narinig ko kasi ang pinag uusapan nyo eh. Anung meron samin ni Vhan?" tanong ko.
"Narinig kasi namin mula school doctor natin na sinabi ni Ivan Troy na asawa ka daw nya. Congrats girl! Taken na pala si Ivan Troy. Kaya yung kakambal nalang nyang si Ivan Tyler ang pagpapantasyahan namin." kinikilig na sabi nung babae. Iniwan ko sila maging si Eizelle dahil gusto kong hanapin si Vhan at kumprontahin.
Vhan anu bang nangyayari sayo?!
![](https://img.wattpad.com/cover/99510977-288-k774453.jpg)
BINABASA MO ANG
MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETED
General FictionKasal. Ang kasal ay isang napakasagradong okasyon na minsan lamang mararanasan ng isang babae. Ito ang espesyal na araw kung saan ay makakasama na nila habang buhay ang lalaking minamahal nila. Ngunit hindi para kay Stephanie. Oo ang lalaking makaka...