33

17.3K 391 56
                                    

[A/N : GOODMORNING! GUYS. RANK #10 NA ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION.. THANK YOU SA INYO! \^_^/..]

PARA SA INYONG LAHAT ITONG UPDATE KO.. ENJOY READING ^_^

___
❤Chapter 33❤

Dahil alam kong aalis si Ivan ay hindi ako natulog. Nandito lang ako sa may sala at naghihintay sakanya na bumaba. Hindi ko magawang magalit sakanya sa kabila ng ginawa nya sakin. Siguro masasabi nyo na ang tanga ko. Siguro nga. Anung magagawa ko? Mahal ko eh..



Pinahid ko ang mga luhang bumabasa sa mukha ko. Bakit ganito? Hindi pa din sila nauubos. Hindi ko na nga alam kung ilan oras naba silang umaagos at hanggang ngayon ay meron pa din tumutulo mula sa mata ko.



Napatayo ako ng makarinig ako ng pagsara  ng pintuan. Nakita ko si Ivan na pababa ng hagdan habang may dala dalang maleta. Teka. Akala ko ba sandali lang sya dun. Pero bakit napakalaki naman ng dala nya?



Patakbo akong lumapit sakanya para yakapin sya ngunit hindi pa man ako tuluyan na nakakalapit ay itinulak nya kaagad ako.


Hindi ko nanaman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.



"Ivan. Huwag ganito please. Nasasaktan na ako." umiiyak na sabi ko. Unti unti akong lumapit sakanya at umupo para yakapin ang binti nya. Ilang ulit kaya ako luluhod sakanya? Una noong hilingin ko na pakasalan nya ako. Ngayon naman para makipag ayos sya sakin.



Isinipa ni Ivan ang paa nya para matanggal ang pagkakayakap ko ngunit mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakakapit ko dito.



"Mahal mo ako Ivan diba? Dapat maniwala ka sakin. Hindi ko magagawa yon Ivan. Parang awa mo na. Ayoko ng ganito tayo." wala na akong pakielam kung magmukha akong kaawa awa sa paningin nya. "Hindi sakin ang pills na nakita mo. Hindi ko nga alam kung paano napunta sa bag ko yun. Alam mo naman kung gaano ko kagustong magkaanak tayo. Kaya bakit ko naman gagawin yun?"



"Pwede ba Stephanie?! Nagmamadali ako at baka mahuli ako sa flight ko. Wala akong oras para makinig sa kasinungalingan mo!" pilit nyang binaklas ang kamay kong nakayakap sa binti nya.



"Ivan!" habol ko sakanya ngunit mabilis syang pumasok sa loob ng sasakyan nya. Pero hindi padin ako susuko. Iniharang ko ang katawan ko sa daraanan nya. Ibinaba nya ang salamin ng sasakyan nya.



"Umalis ka dyan! Dahil sa galit ko sayo. Hindi ako magdadalawang isip na sagasaan ka!" galit na sabi nya. Ngunit hindi ako nagpatinag. Isinara nya ang bintana at sinimulan buhayin ang makina. Ang buong akala ko ay hindi gagawin ni Ivan ang sinabi nya. Ngunit nagkamali ako kung kaya nanginginig akong lumihis sa daanan nya.


Bakit ganun? Kung mahal ako ni Ivan. Bakit napakadali para sakanya na saktan ako?


Napaluhod nalang ako at umiyak hanggang sa mapagod ako.



___
❤VHAN POV❤

Halos maibuga ko ang iniinom kong kape ng marinig ko ang pag iyak nya.


"Calm down okey. Pupuntahan kita dyan. Huwag kang gagawa ng bagay na makakasakit sayo. Hintayin mo ako." sabi ko sakanya bago ko pinatay ang tawag nya.

Nagmadali akong nagpunta sa sasakyan ko at pinaharurot ito. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari at umiiyak sya. Anu nanaman kaya ang ginawa ng kapatid ko?


Halos mag init ang ulo ko ng makita ko si Steph. Namamaga ang mga mata nya. Naka upo lang sya sa sahig at patuloy sa paghagulgol. Damn you Ivan!


Patakbo akong lumapit sakanya at niyakap sya. Tang ina! Hindi ko kayang nakikitang ganito si Steph! Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko.


"Steph. Tama na please. Ayokong nakikita kang g-ganyan." di ko napigilan ang pagpiyok ng boses ko. Nakakabakla man pero naiiyak ako sa nakikita kong kalagayan nya. "Nasasaktan ako."


Niyakap nya ako ng mahigpit at ibinaon nya ang ulo nya sa dibdib ko at umiyak.


"Bakit ganun? Napakadali para sakanya na saktan ako Vhan. Hindi nya din ako kayang paniwalaan. Akala ko ba mahal nya ako." humahagulgol na sabi nya. Inilayo ko sya sakin at hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nyang tumabing sa mukha nya. Pinunasan ko rin ang pisngi nyang basang basa sa luha.


"Sabihin mo sakin kung ano ba ang nangyari. Handa akong makinig." damn! Nalaman naba ni Steph ang tungkol kay Ivan at Eizelle? Kapag nalaman nyang ako ang ugat ng lahat. Kamumuhian nya din ako. Im sorry Steph.


Habang nakikinig ako sa kwento ni Steph. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko. Napakaliit na bagay lang pala ang pinagmumulan ng galit nya. Napatayo ako at di ko na napigilan ang sarili kong suntukin ang pader para mailabas ang galit ko. Wala akong pakielam sa sakit na nararamdaman ko sa kamao ko dahil alam kong mas masakit ang nararamdaman ni Steph sa mga oras na to.


"Vhan. Tama na. Nagdurugo na ang kamay mo." sabi nya sabay hawak sa kamao kong nagdurugo. Hinila ko naman sya at niyakap.


"Naniniwala ako sayo na hindi mo magagawa yun. Kaya tahan na. Hayaan mo at maliliwanagan din sya dahil sa ngayon ay nabubulagan pa sya ng galit." pang aalo ko sakanya.


"Bakit ikaw Vhan? Naniwala ka sa sinabi ko. Pero bakit sya." saad nya sa kabila ng paghikbi. "Bakit sya. Hindi nya ako nagawang paniwalaan."



"Mahal kita Steph. Mahal na mahal. Kahit anung sabihin mo. Papaniwalaan ko. Kahit sabihin mong puti ang uwak. Maniniwala pa din ako sayo. Kahit sabihin mo pang kamag anak ng langaw ang kalabaw. Maniniwala pa din ako sayo."korni man pakinggan. Pero yun ang totoo.



"I-Ibig bang sabihin. Hindi ako mahal ni Ivan kaya hindi nya ako magawang paniwalaan?" tanong ni Steph ng alalayan ko syang makaupo sa sofa. Mahal nga ba sya ni Ivan? Ang kapatid ko lang ang makakasagot dyan.


"Hindi ko alam Steph. Dahil hindi naman ako si Ivan Tyler na mahal mo. Ako si Ivan Troy. Ang lalaki na nagmamahal sayo." malungkot na sabi ko. Napakahirap para sakin na ako ang maging sandalan nya dahil nasasaktan ako sa nakikita kong pagmamahal nya sa kapatid ko. Pero kailangan nya ako kaya narito ako sa tabi nya.


___
❤IVAN POV❤

"Lucas." kanina pa ako nandito sa hotel na tutuluyan ko sa Singapore. Kanina padin ako nagdadalawang isip kung tatawagan ko ba si Lucas para kamustahin sya.


Tinitiis ko sya kasi nasaktan ako. Nasaktan akong isipin na ayaw nyang bumuo ng pamilya kasama ako. Pakiramdam ko ayaw nyang magkaroon ng anak mula sa akin.


[Sir..] sagot nya.


"Kamusta si... si S-Steph?" nauutal na sabi ko.


[Nasa loob po sya Sir ka—]


"Mabuti naman kung ganoon. Alam ko hindi mo na trabaho itong sasabihin ko. Pero pwede mo ba syang ipagluto ng pagkain? Paki check din kung okey ba sya. Kung... Kung umiiyak paba sya."



[Eh Sir. Hindi ko na po kailangan gawin yub dahil meron napong gumagawa nun para sainyo] napakunot ang noo ko.



"Sino?"



[Yung kapatid nyo po. Si Sir Vhan. Nakita ko nga din po na niyakap nya si Mam Steph para aluin eh]


Napakuyom ako ng kamao. Anu pa nga bang aasahan ko? Si Vhan ang Knight in Shining armor ni Steph. Nagsisi pa tuloy ako na tinawagan ko si Lucas para kamustahin sya. Hindi naman na pala kailangan.


"Sige. Salamat Lucas." pagkatapos kong kausapin si Lucas ay inihagis ko ang cellphone ko sa pader.



Nagagalit ako kay Steph pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng selos. Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni Lucas. Parang gusto ko ng lumipad pabalik sa bahay namin. Kung nasaan si Steph.



___

Tsismosong Lucas! 😁😂🔫🔪💣

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon