46

18.7K 440 42
                                    

[A/N : SORRY NAMAN GUYS 😂😁✌.. WAG NA KAYONG MAGALIT KAY MISS A. GINAWA KO LANG YUN PARA PAMPAGANA SA NEXT CHAPTER.. BABAWI AKO SA INYO ^_^.. ENJOY READING!!!]

____
❤Chapter 46❤

"IVAN!!! NO!!!" sigaw ko ngunit naiputok na nya ang baril.

Patakbo akong lumapit sakanya at niyakap sya. Bakit? Bakit kailangan nyang gawin yun? Bakit kailangan nyang pagtangkaang kitilin ang buhay nya?


Kinuha ko ang baril at inihagis ito. Hindi ko mapigilan ang mapaluha habang nakayakap sa kanya.


"Im sorry Steph.. Im sorry.." umiiyak na sabi nya. "Hindi ko kayang ibigay ang kalayaan mo. Hindi ko talaga kaya."


"Ivan! Anu bang sinasabi mo hah!" kinalas ko ang pagkakayakap ko sakanya at pinahid ang mga luhang naglalandas sa pisngi nya.


Kung may nangyaring masama kay Ivan. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko!


"Yung annulment paper. Hindi ko kayang pirmahan Steph para mapawalang bisa ang kasal natin at makapagsimula ka kasama ang lalaking yon." napabuntong hininga ako. Kasalanan ko ang lahat kung kaya nagkakaganito si Ivan.



"Nasaan ang annulment paper?" tanong ko. Nag aalanganin pa si Ivan kung sasabihin nya ba sakin ang kinalalagyan nito o hindi. Ngunit pinili nya ang nauna.


Lumapit ako sa drawer at kinuha ang brown envelope na pinaglalagyan nito. Bumalik ako sa pwesto ni Ivan at inilabas ang annulment paper na nasa loob ng brown envelope.


"Kung makikiusap ka sakin para pirmahan yan Steph. I wont sign it. You better kill me so you'll be free." puno ng kalungkutan na sabi ni Ivan. Nginitian ko lang sya habang hawak hawak ang annulment paper.


Tama si Theo. Hindi lang ako ang nahihirapan sa amin dalawa. Pati sya. Nasaktan man ako. Ngunit nasaktan ko din si Ivan. At dahil sa muntikan nyang pagpapakamatay ay natauhan ako. I love him so damn much. And i cant live without him. Yun ngang nasa libo libong kilometro lang ang layo ko sakanya. Halos mamatay ako sa pagkamiss sakanya. Yun pa kayang hindi ko na sya makikita forever?


Pinunit ko sa harapan nya ang walang kwentang papel na yun. Nanlaki naman ang mga mata nya habang nagpapalipat lipat sa nagkapira pirasong mga papel.


"Steph.." naguguluhang sabi ni Ivan. Niyakap ko syang muli at hindi ko na pinigilan ang aking sarili. Hinigit ko ang batok nya at siniil sya ng isang maalab na halik.


Sobrang namiss ko ang ganitong pakiramdam. Yung pakiramdam na nakalapat ang mga labi nya sa labi ko. Yung halos magkadikit na ang mga katawan namin at nariring ang pintig ng mga puso ng isa't isa.


Hindi ko lubos maisip na dahil lang sa galit ko ay ipinagkait ko sa sarili ko ang ganitong klaseng kaligayahan. Kaligayahan na iisang tao lang ang makakapag bigay. Walang iba kundi ang nag iisang lalaki na minamahal ko. Ang lalaking pinakasalan ko at pinangakuang mamahalin hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Si Ivan.



"Im sorry Ivan. Hindi ko sinasadya na saktan ka. God knows i didnt mean that. Nagpadala ako sa galit ko kung kaya nakagawa ako ng isang padalos dalos na desisyon." umiiyak na sabi ko. Agad naman pinunasan ni Ivan ang mga luha ko. Ngunit sadyang papansin ang mga ito. Habang pinupunasan ay dun naman lalo pa itong walang tigil sa pag agos.


"Hush baby. Dont be sorry. Its all my fault." sabi ni Ivan habang hinahaplos ang pisngi ko.



"Hindi mo na kailangan pang ibalik ang pagmamahal ko sayo. Dahil kahit minsan ay hindi naman ito nawala. Sa bawat araw na dumadaan mas lalo pang tumitindi ang pagmamahal ko sayo. Sa kabila ng galit na nararamdaman ko hindi nito nahigitan ang labis na pag ibig ko sayo. Kung kaya sa huli. Imbis na galit ay pagmamahal ko parin para sayo ang namayani."


MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon