44

20.1K 450 41
                                    

[A/N : SORRY KUNG DI AKO NAKAPAG UPDATE KAGABI. ANG SAMA KASI NG PAKIRAMDAM KO. GUYS. TRY NYO BASAHIN YUNG WRONG TIME. PROMISE. DI KAYO MAGSISISI NA BINASA NYO. RANK#5 PADIN ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION ^_^ SALAMAT SA INYO..]

ENJOY READING!!


_____
❤Chapter 44❤

Agad kong binawi ang kamay kong hawak hawak ni Ivan at nakalagay sa dibdib nya. Tumayo ako upang paglabanan ang abnormal na tibok ng puso ko at ang epekto ng titig nya na tipong nanunuot sa kaibuturan ng kaluluwa ko.


Natatakot akong baka hindi ko na magawa pang makapagsinungaling sakanya at mabasa nya sa mga mata ko na hindi padin namamatay ang pag ibig ko sakanya.


Naramdaman ko nalang na tumayo si Ivan kung kaya napalingon ako sakanya.


"I hope one day. You will cure the pain i had in my heart. Dahil walang ibang makakagamot nun kundi ikaw lang Stephanie. Aalis ako at hahayaan kita sakanya. Pero hindi ibig sabihin nun na isinusuko na kita. Ive waited for you to comeback at ngayong nandito kana. Hinding hindi ko na hahayaan na mawala ka ulit sa akin. Hindi man ako ang kasama mo ngayon. Masaya padin ako dahil nakikiya kita." gusto ko ng umiyak pagkatapos kong marinig ang mga sinabi nya. Lumapit si Ivan sakin at niyakap ako.



Naramdaman ko ang labi nya sa may tenga ko. At aaminin ko. Meron naging epekto sa akin ang ginagawa nya na yun.



"I love you my wife. And i miss you. Sana bumalik kana. Sana bumalik na ang Steph na mahal na mahal ako." pagkatapos nyang sabihin yun ay dinampian nya ako ng halik sa noo pagkatapos ay lumabas na. Wala syang dalang sasakyan kaya nag aalala ako para sakanya. Siguro ay kukuha sya ng taxi at magpahatid sa restaurant kung saan nya naiwan ang kotse nya.


Nanlulumo akong napaupo. Hindi ko na yata kayang tiisin si Ivan. Dahil ang nakikita syang nasasaktan ay doble ang sakit para sa akin. Hindi ko kayang may lungkot na bumabalatay sa mga mata nya sa tuwing magtatama ang paningin namin



Damn! I love him. I love him so much! At sa kabila ng mga nagawa nyang kasalanan sakin ay hindi man lang ito nabawasan. Pakiramdam ko pa nga ay mas lalo lang nadagdagan nung nagkalayo kami.



Natatakot akong bumalik sa Pilipinas hindi dahil sa galit ako sakanya. Kundi dahil sa takot na pagbalik ko ay baka hindi ko mapigilan ang damdamin ko para sakanya.



Napaangat ako ng tingin ng biglang bumukas ang pintuan. Nakatitig lang si Theo sakin ng may disappointment sa mga mata.



"Hanggang kailan mo papahirapan ang mga sarili nyo Stephanie? Sa palagay mo ba sa ginagawa mo si Ivan lang ang nasasaktan? Hindi. Dahil sa nakikita ko maging ikaw ay nahihirapan na." napayuko ako matapos kong marinig ang mga sinabi ni Theo. Dahil tama sya. Nahihirapan din ako. "Cant you forgive him Steph? Tutal ay hindi naman nawala ang anak nyo."


Natigilan ako. Yun pa ang isang bagay na hindi ko kayang sabihin. Dahil sigurado akong magagalit si Ivan kapag nalaman nyang nagsinungaling ako 4 years ago..


Nung ipinasok ako sa emergency room ay gising na gising ang diwa ko kung kaya alam ko ang nangyayari.

"Doc? Kamusta po ang baby ko?" tanong ko.


"Okey naman sya Iha. Nag bleed ka lang dala ng sobrang stress kaya kung maaari lang ay iwasan mo ito para maiwasan ang nangyari."lalabas na sana ang doctor ng pigilan ko.


"Yes iha?"


"Meron po sana akong gustong ipakausap." nakakunot noong tumingin ang doctor sakin.


MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon