PROLOGUE

67.7K 1.2K 26
                                    

Prologue

"Fuck! I hate my life!" napalingon ako sa nagsalita. Lasing nanaman si Ivan. Buhat ng ikasal kami palagi nalang syang naglalasing. Napatayo ako mula sa pagkakaupo upang alalayan syang maglakad.


"Ivan." tawag ko sakanya dahil tinabig nya yung kamay ko. "Halika na."



"Masaya kanaba Stephanie? Dahil nadala mo na ako sa impyerno ha!?" nag aapoy sa galit ang mga mata ni Ivan habang nakatingin sakin.


"Ivan. Lasing kalang. Kaya halika na". mahinahon na sabi ko habang hinahawakan ko sya. Ngunit gaya ng nauna. Tinabig nya ulit ang kamay ko.


"Wag na wag mo akong hahawakan! Dahil nandidiri ako sayo!"


"Sorry Ivan. Alam kong ayaw mong magpakasal sakin. Pero ginawa ko lang naman yun kasi mahal kita." umiiyak na sabi ko.


"Sorry?! Maibabalik ba ng sorry mo ang kalayaan ko?!"



"Wag ka ng magalit Ivan. Please." pagmamakaawa ko habang patuloy kong sinusubukan na hawakan sya upang maalalayan.



Inilapit nya ang mukha nya sakin kaya napapikit ako. Ang buong akala ko ay hahalikan nya ako ngunit hindi pala. Dahil naramdaman ko ang bibig nya sa tenga ko.



"Galit? Hindi ako galit sayo Stephanie. Dahil kulang ang salitang galit para lang maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita. Kinamumuhian kita! At gaya mo gagawin ko din imyerno ang buhay mo!"



"Napakawalang puso mo Ivan."






"Wala ka din puso, dahil kalayaan ko ang kinuha mo."

MARRYING A HEARTLESS (HEARTLESS SERIES #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon