Part II. Tena and Red

316 15 0
                                    

//Athena's POV

"Sya nga pala, pwede ka ba naming maging kaibigan, Ms. School Council President?" nagulat ako sa tanong nila sakin. Wala pang ni isa ang gustong makipagkaibigan sakin. Sila pa lang, bukod kay Jess.

"H-Ha? Si-sigurado kayo?" tumango lang sila bilang sagot. My mouth dropped open. Is this for real?

"Let me introduce myself to you, Athena. I am Alisha Zainah Joo and here is Daynara Tsui." Sabi niya at ngumiti silang dalawa sa akin at napangiti na rin ako. Sa wakas. After years of being lonely in this university, I have found these girls.

 After years of being lonely in this university, I have found these girls

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Athena. Athena Yuna Carlet Fontes." Nahihiyang sabi ko sa kanila. Di ako sanay sa ganito. Wag kayo.

"You really have a good name, Athena." Banggit ni Daynara na ikinapula ko naman.

"ThankYou. At least, may maganda sakin. Yung pangalan ko." Sabi ko at nagfake na tawa pero seryoso lang silang nakatingin sakin kaya naman napaseryoso rin ako.

"That is definitely not true. Ang ganda mo kaya sa malapitan." Puna ni Alisha sa akin at pinakatitigan pa ako kaya iniwas ko ang tingin ko.

"Ah. Hehe. Wag na kayong mambola." Sagot ko naman.

"Hindi ah. Hindi kami nambobola. Anyway, friends?" sabay silang naglahad ng kamay at inabot ko naman ang mga iyon.

"Friends." At ngumiti ako sa kanila ganun din naman sila sa akin.

"Hmm. Athena. Pede mo bang tanggalin ang glasses mo? Please?" tanong sakin ni Alisha.

"Ah. Eh...ano kasi...ayo—WAAAAAAAAH!" sigaw ko. Pano ba naman kasi, hindi pa ako nakakaangal, nahubad na ni Alisha.

"OMG."

"My gosh."

"Ah. Bakit?" nahiya ako bigla kaya kinuha ko ang salamin ko mula kay Alisha habang nanlalaki ang mga mata nila. Sabi na kasing huwag na, lalo lang akong papanget eh. L

"Hindi mo manlang sinabi samin na ang ganda-ganda mo, Athena. Mas maganda ka pa ata samin ni Alisha eh." Sabi sakin ni Daynara.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA." Yun na ata ang pinakamagandang joke na narinig ko.

"What's funny?" tanong sakin ni Daynara.

"Ang ganda kasi ng joke mo eh. Hahahahahahahaha—" napatigil ako sa pagtawa kasi ang seryoso ng mukha nila. Nakakatawa naman ang joke ko ah, or maybe not?

"Isa pang tawa pag sinabihan ka namin ng maganda, kakaratehin kita."

"Hindi na." sagot ko. Aba. Baka nga makarate ako. Mukha pa namang seryoso tong si Daynara.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now