Part VIII. Masquerade Party (Part 1)

208 11 1
                                    

//Athena's POV

Friday na ngayon. Declared as WALANG PASOK today. Kanina lang inannounce through Facebook. Kainis naman. Kung alam ko lang, edi sana ngayon na lang kami nagshopping na tatlo. Anw, ito yung nakapost sa Facebook page ng RCU.

Royale Crown University

3hrs ago.

Today, Friday, is declared to be NO CLASSES DAY due to the party that will be held tomorrow at the Red Glace Resort. This day is allotted for your preparations for the said party. That's all and GodBless!

Like. Comment. Share

Odiba? Daming alam? Yung gown ni Jess na ipapahiram nya sakin ay nadito na sa closet ko. Tapos yung binili nila Alisha na sapatos para sakin ang gagamitin ko. Sinanay ko ang paa ko sa heels kasi naman baka mapahiya pa ako bukas. Nakakahiya yon!

Napagdesisyunan kong umalis na lang muna ng bahay. Pupunta muna ako sa mall, bibili muna ako ng kahit 1.5L na ice cream. Para sa amin ni Jess. Meryenda rin namin. May ipon naman ako at saka magkano lang naman yun diba? Hindi naman ako araw-araw bibili.

Pagkarating ko sa mall, dumiretso na ako sa supermarket at pumunta sa ice cream section. Hmmm. Anong flavor kaya? Cookies and Cream? Double Dutch? Rocky Road? O yung mga plain na lang? Habang tinitingnan ko ang lahat ng yon ay tumama ang mata ko sa nag-iisang Double Dutch. Natakam ako bigla. Mukhang para sa akin ang ice cream na ito. Hahahaha.

Kukunin ko na sana kaya lang may isa pang kamay ang dumampot nito. Magkabilang dulo kami. Hinawakan ko yon ng mahigpit at napansin kong sya rin. Tiningnan ko sya at lalaki pala.

"Hmm. Pede bang ibang flavor na lang ang kunin mo? Ako ang naunang makakita nito." Depensa ko saka mas lalong humigpit sa hawak ko.

"Bakit hindi na lang ikaw, Miss? Ako ang unang humawak, okay? Nakita mo lang." hindi nya pa rin binitiwan ang ice cream ko. Nakakainis ah!

"Mister mang-aagaw na mayabang pa, ako ang nagbukas ng fridge kaya ako ang dapat na makakuha neto." Pagtatanggol ko sa ice cream ko. AKIN TO'.

"Miss. Please? Favorite flavor ito ng little sister ko at magtatantrums yun pag hindi ko agad ito nabili kaya please. Ibigay mo na sa akin." Pagmamakaawa nya, but still, no? or yes?

"Favorite ko rin ito, Mister. Pero sige, sayo na. Ay. Sa little sister mo pala. Ano ba yan! Kainis! Minsan na nga lang magice cream." If it wasn't for his sister, I won't give it to that guy.

"Grabe ka talaga! Ibibigay mo rin naman pala, dami mo pang arte."

"Abat!" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil tumakbo na sya sa counter at ako naman, kinuha ko na lang yung Rocky Road. Masarap din naman ito eh.

//James' POV

NakakaARG! Pagod na nga ako sa game kahapon tapos babadtripin pa ako nung babaeng yun. Ibibigay din pala yung ice cream, dami pang pasakalye. Ayokong magkatopak na naman ang little sister kong si Cleio. 7 years old pa lang sya kaya madaling magtampo. Mahirap amuin yun.

Maya-maya pa ay nagriring ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Cleio. Hay nako. Kebata-bata pa, marunong ng magcellphone. Masyadong naispoil nina Mama.

[Kuya! Where are you na?! My ice creaaaaaaaaaaam!]

"Malapit na ako, Cleio. Wait for Kuya."

[Mom said na kailangan mo ng magmadali because of tomorrow's party.]

"Yes, little sis. Sige na. Nagdidrive si Kuya eh. Pabalik na ako. Wait for your ice cream."

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now