Part XXXI. Gamezone

131 4 0
                                    


//Athena's POV

"What are you doing here with my girlfriend, Jayden Moran?" may halong pagkainis sa boses ni Clyde. Oh. Oh. This isn't good.

Agad na tumayo si Jayden mula sa pagkakaluhod nya at humarap kay Clyde na ngayon ay nakasimangot sa harap namin. At talagang sya pa ang nakasimangot ha?

"Oh. Lain. Ikaw pala yan? Nice to see you," mapang-asar na sabi ni Jayden kay Clyde.

"Nice to see me, huh? Let me tell you a trivia, Moran. Do you know that flirting with my girl is suicide?"

"Ah. Is that so? I don't think so," sagot naman ni Jayden at nginisian si Clyde.

Kanina pa ako nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa na palapit ng palapit sa isa't isa. Tumayo ako para pigilan yung dalawa dahil nagkakainitan na sila. Nakakakuha na rin sila ng atensyon ng mga tao. Pano ba naman? Parehas silang gwapo tapos para pa silang nag-aaway gawa ko. Paglapit ko sa kanila, agad akong hinila ni Jayden at inakbayan.

"Busy ka naman sa iba diba? So, I think, this is fine, right, Athena?" sabi ni Jayden at ngumiti pa sakin. Nilingon ko si Clyde pero ang sama lang ng tingin nya sakin.

"Ah—a—ano..." yun lang ang nasabi ko dahil nagtataka ako rito kay Jayden dahil trip na naman nya si Clyde.

"I think I have to go. See you when I see you, Athena." Sabi ni Jayden at hinalikan ako sa pisngi. Sa gulat ko, hindi na ako nakareact at nakita na lang si Jayden na malayo na sa amin.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na may nagpupunas sa pisngi ko kung saan ako hinalikan ni Jayden. Nakita ko si Clyde na sobrang seryoso ng mukha habang nakatingin sa pisngi ko. Baka mamaya nyan, mamula na ang pisngi ko sa sobrang pagpunas nya.

"Why did you let that bastard kiss you?" sabi sa akin ni Clyde at sinamaan ako ng tingin.

"Wow ha. Ikaw nga dyan e. Busy. Sobrang busy mo sa pakikipagtawanan doon sa kasama mo." Sabi ko kaya naman agad nya akong tiningnan ng nakakaloko.

"Wait. Are you...jealous?" sabi nito habang nakangisi.

"Jealous?! Ako?! No way! Kanina pa kaya kita hinihintay! Nakakahiya namang istorbohin ang pag-uusap nyo. Buti na lang dumating si Jayden. May kasama ako!" sagot ko rito na ikinadilim ng tingin nya.

"Don't you dare mention his name again. This.is.our.day. It should be you and me ONLY," sabi nito sa akin habang mataman ang pagtingin.

"Put this in my car," sabi nito sa body guard nya at hinila ako sa kung saan.

"San ba tayo pupunta ha, Clyde?"

"You choose."

"Doon tayo!" excited na sagot ko sa kanya. Hinila ko sya agad papasok sa Gamezone at pagpasok pa lang namin, halos lahat yata ng andito sa loob, nakatingin samin.

"Here? Let's just find another place. Sobrang daming tao rito." Sabi nito sakin at hinihila ako paalis doon.

"Teka nga. You told me to choose where to go. Tapos ngayon, ayaw mo naman. Gulo mo! Bahala ka nga dyan!" sabi ko sakanya at paalis na sana ako nang hilahin nya ang braso ko.

"And where do you think you're going?" bored na tanong nito sa akin. Hinarap ko naman sya at sinamaan ng tingin. Ang gulo naman kasi nya.

"Hahanapin ko si Jayden. Baka andito pa sya. Sya na lang ang isasama ko rito." Sabi ko sakanya. Bigla naman nya akong hinila palapit sa kanya at saka inakbayan.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now