Part XXXIII. The Evil Mother

154 5 0
                                    

//Athena's POV

It's been a week since natapos ang game nina Clyde. Nakita ko na lahat ng members ng basketball team maliban sa kanya. And. It's been a week also nang maging mas close pa kaming dalawa ni Wilson, pati na rin si Rance, ang bestfriend ko. Si James naman, ayun. Nililibre ako ng ice cream lagi. Hahaha. Sina Drew, Kuya Zac at Lei naman ay busy ngayon sa pagvovolleyball.

Andito kami ngayon sa AR. Kasama ko si Wilson at Alisha. Wala ang anim na miyembro ng ACES. Wala rin si Daynara dahil absent sya ngayon. Nakakapanibago tuloy dito sa AR. Sobrang tahimik masyado. Busy kasi sila sa kani-kanilang gawain e.

*kriiiiiiiiiing*kriiiiiiiiing*

Clyde calling...

"Ahm. Sagutin ko lang to ha?" sabi ko sa dalawang kasama ko at dumiretso sa kusina.

"Hello?" sabi ko ng sagutin ko na ang tawag nya.

[Be ready for tomorrow, nerdy. I will introduce you to Mom.] wala manlang pasintabi ang lalaking to? Agad na? Excited?

"A-Anooo?! T-Teka nga muna Clyde! One week kang hindi nagpakita sakin tapos ngayon bigla-bigla kang tatawag at sasabihing ipapakilala mo ako sa mom mo? Asan ka ba ha?!" mahabang litanya ko. Bigla naman syang tumawa sa kabilang linya. May nakakatawa ba?

[Ito namang girlfriend ko, masyado akong namimiss. Anyway, I'm here at our resthouse in Batangas. I'm with my parents and Daynara's family as well, that's why she's absent. Pauwi na kami ngayon. Don't worry] sabi nya habang natatawa pa rin. Baliw ba sya? Napanguso tuloy ako.

"Si Clyde ba yan?" tanong ni Wilson nang pumunta sya rito sa kusina para kumuha ng juice sa ref. Tumango ako bilang sagot at nagpout na ulit. Tumawa naman sya at saka ginulo ang buhok ko.

Ganito kami ni Wilson. Sobrang close. Mabait sya, sobra. Pero may pagkasuplado rin. Nagkasundo kami agad dahil nga iba sya mag-alaga. Sa itsura nito, hindi halatang maraming kalokohang alam e. Maloko sya pag kasama ang mga kaclose nya pero sobra sungit pag di nya kilala.

[Who's that?] seryosong tanong sakin ni Clyde.

"Si Wilson—WILSON!" napasigaw ako dahil pinahiran nya ako ng icing sa pisngi ko. Yun yung cupcake na binili namin kanina. Ang kulit talaga. Tumawa lang si Wilson kaya napanguso na naman ako. Aish.

[Kayo lang bang dalawa dyan?] bakit parang naging cold yata ang boses ni Clyde?

"Hindi. Kasama namin si Ali—huh? San si Alisha?" tanong ko kay Wilson habang lumilinga sa may living room at sya naman ay nilalantakan yung cupcakes.

"Ay oo nga pala. Nauna na sya kasi may gagawin pa raw sya." Sagot nito sakin

*toot*toot*

Napatingin ako sa phone ko at nakitang binaba na ni Clyde yung tawag. Bakit kaya? May saltik ba sya? Tatawag-tawag tapos ibababa rin pala?

"Bakit?" tanong sakin ni Wilson.

"W-Wala. Binaba kasi bigla ni Clyde yung tawag." Sabi ko at umupo sa tabi ni Wilson. Tumingin naman ito sakin at tumawa. May nakakatawa ba akong sinabi? Ang weird nila ngayon ha.

...next day...

Nandito ako ngayon sa room namin at nag-aayos ng mga gamit ko dahil lunch na rin naman namin, Naghahanda na kaming tatlo sa pagpunta sa AR. Oo. Andito na ulit si Daynara. Ibig sabihin, makikita ko na si Clyde ngayon doon sa AR. Pagpasok namin sa ACES Room. Wow. Kumpleto sila ah.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now