Part XXXVI. 10 years ago

153 4 0
                                    

//Third Person's POV

Milan, Italy

Hyun Mansion

"Kuya Zac! Wake up already! Hinihintay na tayo nina JD, Ate Nemiah at Wilson sa baba!" sabi ng batang babae na nasa anim na taong gulang habang niyugyog ang Kuya Zac nya na hanggang ngayon ay tulog pa.

"Athena. Wag kang malikot." Sabi ng batang lalaki na nasa pitong taong gulang naman at saka tinakpan ang mukha nya gamit ang kanyang unan.

Ilang sandali pa ay nakarinig ang batang lalaki ng mahinang kalabog. Agad syang napabangon sa kanyang pagkakahiga at agad na nilapitan ang kapatid na babae na ngayon ay nakaupo at hawak ang kanyang paa. Lumuhod si Zac sa harap ni Athena.

"Hey, Athena. Are you okay? Does your foot hurt? Tell Kuya," nag-aalalang sabi ni Zac at hinimas ang paa ni Athena. Hindi nito alam ang gagawin.

"Ku-Kuya," nanginginig na sabi ni Athena.

"Does it hurt? Tell me. Nag-aalala ako." Tanong muli ni Zac sa kapatid. Ilang sandali pa, tumawa ang batang babae na ikinataka ni Zac hanggang sa mapagtanto nito ang ginawa ng kapatid.

"It's not..."

"Hahaha. I got you, Kuya!" tumatawang sabi ni Athena. Ilang beses na nya itong nagawa sa kapatid dahil malakas ang epekto nito kay Zac dahil ayaw nitong masaktan si Athena.

"Athena!!!!" sigaw ni Zac kaya nagtatakbo si Athena paalis sa kwarto ng Kuya nya.

"Catch me if you can, Kuya!" natatawang sambit ni Athena habang tumatakbo palayo sa kapatid.

"Zac. Athena. Let's have our breakfast, okay? Stop running around," natatawang saway ng kanilang ina habang nakamasid sa magkapatid na ngayon ay nasa sofa at nakahiga.

"Mommy! I'm so great! Nagising ko si Kuya!" masayang sabi ni Athena sa kanyang mommy.

"It's because you made me worried for the nth time," sagot naman ni Zac.

"Hihihihi. It works on you all the time, Kuya!" tawa ni Athena at humawak sa kamay ng kanyang ina. Natawa na lamang ang kanilang ina dahil sa pag-uusap ng magkapatid.

"Come on. Let's eat. Your father is waiting for us," sabi niya sa mga anak at kinarga na si Athena.

"GoodMorning, Mommy," bati ni Zac sa kanyang mommy at humalik sa pisngi nito.

"Morning, honey," bati nito pabalik at hinalikan sa pisngi si Zac. Habang papunta sa dining table ay nakarinig silang tatlo ng tawa. Agad namang pinigilan ni Athena ang kanyang mommy sa paglalakad.

"Mommy. I'm a big girl now. Let me walk on my own, pleaseee?" nakapout na sabi ni Athena sa Mom nya.

Agad na nanakbo si Athena papunta sa dining area. Agad nilang napansin si Jayden Vaugn, ang pinsan ng magkapatid sa father's side. Nandoon din sa mesa ang magkapatid na Elinchi na sina Nemiah at Wilson, kababata ng magkapatid. Magkakaibigan ang kanilang mga magulang kaya ganito sila kalapit sa isa't isa.

"GoodMorning, Daddy!" bati ni Athena sa kanyang ama at hinalikan ito sa pisngi.

"GoodMorning too, princess," bati ng kanilang ama kay Athena at hinalikan ito sa noo.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now