//Wilson's POV
Back to school na naman. Haaay. Nakakainip din kaya minsan sa school pero kahit na ganun, masaya pa rin naman basta kasama itong mga ugok na to'. Kasalukuyan kaming naglalakad sa corridor ngayon papunta sa AR. at mga matitinis na boses na naman ang naririnig namin. As always.
"Waaaaah! Clyde! Be mine!"
"Wilson, ang hot mo talaga kahit kailan!"
"Ang gwapo mo Zaaaaaac!"
"Be my boyfriend Drew!"
"Notice me please, Lei!"
"Pinana mo na naman ang puso ko, Rance!"
"Waaah! James! Why so handsome?"
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa AR. Kanya-kanya kami ng puwesto. Si Clyde ay nahiga sa couch. Si Zac naman ay as usual, kumuha ng libro sa shelf at nagbasa. Si Drew, ayun nagbibilliards kasama si Lei. Naglalaro naman ng darts si Rance. Why does he have to be good at that? Si James, ayun nasa kusina, kumakain ng ice cream at ako? Eto. Nagcecellphone.
"Grabe sa ingay ng girls kanina." Sabi ni Drew at tinira yung bola.
"Wow naman Drew. Araw-araw kaya silang maingay." Sabi naman ni Rance at saka nakabulls eye.
"Nakakarindi na sila. Parang ayaw ko na ata maglakad sa corridor. Tch." Sabi naman ni James habang nilalantakan ang rocky road nyang ice cream.
Maya-maya lang ay lumapit na si Lei at Drew kay Clyde nang mapansin na sobrang tahimik nito. Sige. Bahala kayong dalawa pag nasinghalan kayo ng isang yan.
"Yow, pareng Clyde! Tahimik natin ah?" sabi ni Drew at umakbay sa nakadapang si Clyde.
"Paki mo?" sabi Clyde at bumangon sa pagkakadapa saka sinamaan ng tingin si Drew.
"Wooo. Bad mood si lead. Alam ko na kung bakit." Sabi naman ni Lei at nagtinginan sila ni Dre at sabay na tumawa. Napapailing na lang ako sa kalokohan ng dalawa.
"Will you just shut up? Ang iingay nyo! Sarap nyong pektusan dalawa!" sabi ni Clyde at halatang inis na.
"Hmm. Badtrip ata sya kasi di sya kinakausap ni Athena?" sabi ni Drew at hinimas ang baba nya.
"O baka naman badtrip sya dahil may katawanan si Athena na lalaki nung finals." Dugtong pa ni Lei. Sige lang. Painitin nyo ang ulo nyan. Mangangain yan ng tao.
"And I heard that the name's Jayden Vaugn Moran, his number one rival." Tumayo na silang dalawa mula sa pagkakaupo at nagsimula ng bumalik sa pagbibilliard habang nag-uusap nang biglang...
"NAGSESELOS SYA!" sabay na sabi nung dalawa at nag-apir pa. Maya-maya pa ay naramdaman nila ang presensya ni Clyde sa likod nila kaya naman nagtatakbo silang dalawa sa kusina. Haaaay. Those two.
"WAG NA WAG KAYONG MALALAPIT SAKING DALAWA!" singhal ni Clyde sa dalawa na ngayon ay tatawa-tawa na. Hanggang sa umalis na nga si Clyde sa AR at nagtawanan na lang sila sa loob. Haaays.
//Athena's POV
Aba. Anong akala nung lalaking yun? Madali lang kalimutan yung mga pinaggagagawa nya nung Sports Fest? I won't forget those words. He's arg!
"Ats. Are you still mad? Kay Clyde?" tanong ni Alisha sakin na nakapagpalingon sakin at sinamaan sya ng tingin at sya naman tong alangang nagpeace sign.
"I know that he's a foulmouthed guy, pero hindi naman sya ganun. I mean, hindi naman sya masyado nangingialam basta-basta, maliban na lang kung..." pabitin na sabi naman ni Daynara. Bigla naman silang nagkatinginan ni Alisha at parehas pang nagtaas-baba ng kilay.