Part XXXII. Wilson Jace Elinchi

133 5 1
                                    

//Athena's POV

Saturday na ngayon. One week na since nung nagdate kami ni Clyde. Hindi kami makakapagdate bukas dahil sabi ko wag na lang. Pahinga na lang nya yun dahil puspusan na ang practice nila ng basketball. Ayaw pa nga nya pumayag e pero ang sabi ko, pag tapos na ang game nila, magdadate kami ng maraming beses.

Ngayong araw ang alis nila papunta sa Baguio para sa National Level nila. Si Clyde, hindi ko maintindihan pero ayaw daw nya umalis. Kesyo maiiwan daw akong mag-isa rito. Ano naman diba? Nagkita pa nga kami kagabi dahil one week daw syang mawawala. Baliw talaga ang lalaking yon. Bakit?

.Flashback.

Ready na akong matulog dahil alas nuebe na rin ng gabi. Si Jess ay andun pa sa kusina kasi sya ang assign ngayon sa paghuhugas ng pinggan. Ako kasi ang tagaluto e. Magpapatay na sana ako ng ilaw nang...

*beep*beep*

"Ano ba yon? Jusko naman! Nakakagulat naman yun!" sabi ni Jess habang nakahawak pa sa puso nya.

"Ako na ang titingin. Matulog ka na, Jess." Lumabas ako ng bahay kahit nakapajama na ako at nagtaka ako dahil isang pamilyar na sasakyan ang nakita ko. Bakit may sasakyan dito ng gantong oras?

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Clyde nang makalabas sya sa sasakyan nya.

"Visiting you. We're going to leave tomorrow," sagot nito habang nakasandal sa sasakyan nya.

"Oh tapos? Anong gagawin ko?" tanong ko rito pero sinimangutan lang nya ako.

Anong problema nito? May mali ba akong nasabi? Parang wala naman ata? Minsan talaga ang gulo ng lalaking to. Minsan ang sungit, minsan mabait, minsan naman masiyahin. Paiba-iba ng mood. Pano ko ba sya masasabayan? Baka awayin pa ako ng isang to.

"I'll be gone in a week. You should take good care of yourself well. Kay Wilson ka lang sasama." Sabi niya.

"Huh? Diba varsity din si Wilson?" tanong ko sakanya. Vice captain kaya si Wilson.

"Injured sya, but he's already fine. He will be with you while I am away,"

"Bakit kailangan ko pa ng bantay?" tanong ko sa kanya.

"I am not here. I have no choice. Baka mabully ka pa. Ayoko namang pabantayan ka kay Drew, he's a playboy. Baka dalhin ka nya sa bar. Ayoko naman kay Rance, Lei at James. Mga loko-loko sila."

"What? Bakit si Wilson pa? Injured sya e. Pwede namang sina Daynara at Alisha na lang o di kaya ay si Kuya Za—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lumapit sya sakin at idikit ang hintuturo nya sa bibig ko.

"Lalong hindi pwede kay Zac. Akala mo ba hindi ko napapansin na ang close nyo ng dalawa? I am your boyfriend, so listen to me. About Alisha, she'll be gone for a while. May fashion show syang inorganize abroad. Meaning, si Daynara lang ang makakasama mo." Pag-eexplain nya sakin.

"Bat ang demanding mo? Kaya ko naman ang sarili ko Clyde."

"My decision is final. Just do what I say. GoodNight Athena." Sabi nito at tumalikod na.sakin. Tatalikod na sana ako nang may sabihin sya sakin.

"By the way. You look pretty without glasses on. Nice outfit too, but you should wear your bra sometimes. I might not control myself," nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Paglingon ko, nakasakay na sya sa sasakyan nya at kinindatan pa ako.

"BASTOS KA!"

.end of flashback.

Oh diba. May sira sa ulo yung si Clyde. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak nya at naging palautos sa akin. Tapos hindi lang yun. Ang...ang...ang...man—manyak nya! Aish. Namumula na naman ako sa tuwing naiisip ko yung sinabi nya. Arrrg!

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now