Part XXVII. Girlfriend

165 5 0
                                    

//Athena's POV

Dalawang buwan na ang nakakalipas mula nang nagkasama kami ni Clyde sa bahay-ampunan. At sa loob ng mga buwan na iyon, lagi kaming nagkakasama tuwing Sabado sa bahay-ampunan kaya naman sanay na ang mga bata doon na makita sya.

Sa dalawang buwan rin na iyon, marami na ang nangyari at marami na rin ang nagbago. Tapos na ang semi-finals namin. Konti na lang at makakagraduate na kami ng 4th year. At isa sa napakalaking pagbabago sa buhay namin ay ang pagiging mabait sa akin ni Clyde.

Yes. You read it right. May nakain kaya sya o nauntog kaya sya? Kung ganon man, maraming salamat naman sa kinain nya at sa kung saan sya nauntog. Madalas na rin kasi nya akong tawagin sa pangalan ko.

"Okay class. Be ready for the long test tomorrow. Class dismissed." Sabi sa amin ni Sir Macaraig, teacher namin sa Math. Narinig ko naman ang labis na pag-angal ng mga kaklase namin, kasama na roon ang kaibigan kong galit na galit sa Math, si Daynara.

"Oh, Daynara. Anong itsura yan?" puna ko sa lukot nyang mukha habang nakahawak sya sa braso ko at habang naglalakad kami papunta sa ACES Room.

"Paano raw may long test sa Math bukas, natatakot yang maitlog." Sagot naman ni Alisha na sya namang ikinasama ng tingin ni Daynara sa kanya.

"Wag ka na sumimangot dyan, tuturuan na lang kita. Nakakapasa ka naman tuwing tinuturuan kita ah?" sagot ko rito na sya namang ikinaliwanag ng mukha nya. Bigla naman nya akong niyakap ng mahigpit.

"Really?! OMG! ThankYou, Athena! You're an angel in disguise, really! Waaaah!" napailing na lang ako sa inasta nya na parang bata.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa AR. Tahimik ah? Nilibot ko ang paningin ko at si Zac lang ang namataan ko. Wala yung sina best friend, Drew at Lei. Iyong tatlo lang naman lagi ang maingay dito e.

"Where are the others?" tanong ni Daynara at dumiretso sa couch katabi ni Zac at kumuha ng chocolate sa tabi nito. Si Alisha naman ay dumiretso sa single couch at nagdudutdot sa phone nya. Ako naman ay dumiretso sa may pwesto ni Daynara para turuan sya at para na rin kumain.

"Si Clyde at Wilson may training ng basketball. Sina James, Drew at Lei, may klase pa tapos si Rance naman ay nasa Archery Club." Sagot sa amin ni Zac habang nagbabasa.

"Nakakapanibago naman, sobrang tahimik dito ngayon." Sambit ko at kinuha ang baunan ko mula sa bag ko. Agad naman iyong napansin ni Daynara.

"WOOOOW! Luto mo ba ito ha, Athena?!" tuwang-tuwang tanong ni Daynara sa akin habang tinititigan nya yung niluto kong chicken curry. Natatawa na lang kami sa itsura nya dahil nakalabas pa ang dila nya na parang takam na takam sa niluto ko.

Pagkatapos naman naming kumain, nagturo na ako kay Daynara. Madali lang naman nyang nakukuha ang mga tinuturo ko eh. Si Alisha naman ay andito sa tabi namin at nakikiaral na rin.

"You're good in Math, huh?" puna ni Zac at nakatingin pa sa amin. Nanunuod pala sya.

"Hahaha. Hindi naman masyado." Sagot ko rito dahilan para mapangiti sya kaya naman ngumiti na rin ako.

"Waaaaaaaah! Pwede...taympers muna? Sumasakit na ang ulo ko sa daming inaaral e. Magagamit ko ba yang mga x and y na yan sa work? Parang basic math lang ang kailangan diba? Aishh!" reklamo ni Daynara at napasabunot sa buhok nya.

"Magagamit mo yan sa real life Daynara. Pag naghiwalay kayo ng boyfriend mo, edi x mo na sya diba? Syempre, mapapatanong ka ng y. Dapat alam mo kung paano solusyunan yung problemang dinala nya sayo." Sabi ni Alisha at ngingiti-ngiti pa. Kaming tatlo nina Zac at Daynara naman ay otomatikong napanganga. LITERAL. Ano ba naman ang sinasabi nitong babaitang ito?

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now