Part XVI. His Another Mistake

198 7 0
                                    


//Third Person's POV

Nagulat ang lahat nang gawin yon ni Athena. Agad na nagkatinginan sa isa't isa ang mga tao sa AR. Inisin na lahat. Wag lang si Zac na nagbabasa.

"Nalintikan na." sabi ni Rance habang nakatingin sa tuwang-tuwang si Athena.

"Patay tayo dyan." Sabay na sabi ng kambal.

"Parang ayokong tumingin kay Zac." Sabi naman ni Drew at napaface palm.

Sa kabilang banda naman, nakatitig lang si Zac sa tuwang-tuwang si Athena habang manghang-mangha ito sa pagtingin sa librong kanyang hawak.

"Gusto mo ba yang librong yan?" tanong ni Zac kay Athena.

Nagulantang si Athena sa tanong na iyon kaya naman nabitawan nya ang librong hawak nya at agad naman iyong nasalo ni Zac bago pa tuluyang mahulog sa sahig.

"Sabi ko, gusto mo ba ang librong yan?" tanong ni Zac sa namumutlang si Athena. Hindi naman makasagot ang dalaga dahil na rin sa pagkapahiya dahil sa kanyang ginawa.

Hindi alam nina Alisha ang nangyayari sa pagitan nina Zac at Athena. Hindi naman sila makalapit dahil sa takot ng mga ito kay Zac.

"Anong gagawin natin? Mukhang natatakot na si Athena kay Zac. Nabitawan nya yung libro oh!" sabi ni Daynara sa mga kasama nya.

"Ang cool talaga ni Zac. Bilis ng reflexes. Nasalo agad yung libro. Idol talaga." Sambit naman ni Drew habang nakatingin kina Athena at Zac.

"Bwiset ka talaga eh no Drew? Kinakabahan na nga kami rito tapos bigla kang sisingit ng katangahan?" sagot ni Alisha kay Drew at binatukan ito.

"Grabe ka sakin. Nabwiset na nga, natanga pa. Ang sakit sakit." Sagot ni Drew at umakting na naiiyak.

"Ang arte mo Drew." Sabi naman ni Lei kay Drew at binatukan din ito.

"Grabe talaga kayo! Kambal nga kayo." Sabi ni Drew at napapakamot na lang ng batok.

"Ano na ang plano natin? Baka bigyan uli sya ng ACES Card." tanong ni Rance sa kaibigan nitong si Lei.

"O baka naman ipahabol sya kay A1!" sambit naman ni Lei. Si A1 ang aso ng ACES.

"O di kaya uutusan nya sina David at Dexter para barilin si Athena!" sabay na sabi naman nina Lei at Rance at nagtinginan pa sa isa't isa. Si David at Dexter ang head ng security team na handle mismo ng ACES.

"Alam nyo? Ang bubrutal ng iniisip nyo! Hindi naman siguro gagawin ni Kuya Zac yon no!" sita ni Daynara sa dalawa.

"Baka naman ipatanggal lang sya as President o di kaya ay patalsikin dito sa school at di yon makakayanan ni Athena kaya naman magpapakamatay sya. Mas makatotohanan naman ito kaysa sa mga sinasabi nyo." Pagyayabang ni James sa kanyang kasamahan.

"Anong klaseng utak ba meron ang mga kaibigan kong 'to?" bulong ni Wilson sa kanyang sarili at umiling. Muli nitong binaling ang tingin kay Athena at Zac at napangiti na lang.

//Athena's POV

Di ko talaga mapigilang mamangha sa librong ito. Gustong-gusto ko na itong matapos pero di ko magawa dahil di naman ako makabili at laging nasa hiraman ang Book 5.

"Gusto mo ba yang librong yan?" nagulat ako sa tanong ng taong nakaupo sa harap ko kaya naman agad kong nabitawan ang libro at agad naman nya itong sinalo.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now