Part XII. Jarred's Indirect Confession

205 9 1
                                    

//Athena's POV

Pagkatapos kong magamot sa clinic, pinauwi agad ako nung school nurse. Si Wilson kasi. Nagpumilit na umuwi na ako. Putok lang ang labi ko pero hindi ako baldado. Aisssh.

Wala akong magawa rito sa apartment kaya naman dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos kong magbihis, dumiretso na ako sa Lush Café. Kailangan ko magtrabaho. Kailangang makaipon.

"Oh. Athena. Ang aga mo ah? Wala ka bang klase?" sabi sakin ni Kuya Tyrone.

"Meron Kuya Tyrone. Kaso, pinauwi ako nung school nurse."

"Bakit? Dahil ba dyan sa putok sa labi mo?" tsismoso rin tong si Kuya eh.

"Opo eh. Mahaba pong kwento. Wag na po kayong magpakwento sa akin."

"Sya. Sya. Tamang-tama ang dating mo. Absent yung sunod na cashier, ikaw muna ang pumalit. Mga after 2 hours pa naman." Tinanguan ko lang sya. Diba. Dagdag pera. Pumunta muna ako sa kitchen. Tutulungan ko si Kuya Ronn sa pagbebake. Di nyo naitatanong, I'm good at baking. No one knows. Shhh.

"Kuya Ronn!"

"Athena? Oh bakit andito ka? Diba may klase ka?"

"Pinauwi po ako ng school nurse, Kuya Ronn." Nag-ipit ako at naglagay ng hairnet, sinuot ko na rin ang apron at inayos ang mga gagamitin ko.

"Pinauwi ka ng nurse? Kung ganon, bat andito ka?"

"Dahil lang po rito sa putok ko sa labi. OA lang po kaya ganon. Kuya Ronn. Tulungan na kita magbake. Sige na oh?" pakiusap ko sa kanya. Nagpuppy eyes pa ako kahit alam kong di bagay.

"Marunong ka bang bata ka? Baka malintikan ako pag hindi yan masarap."

"Marunong po ako. Promise!" tinaas ko pa ang kanan kong kamay to swear.

"Sige na nga. Ang gagawin mong cake ay tatlong malalaking Snickers Cake. Dapat sobrang sarap nyan ha? Patitikim mo sakin."

"Opo, Kuya Ronn!"

Nagsimula na akong ayusin ang mga gagamitin ko. Mukhang tama na lahat ng ingredients. Woooh. I'm excited to bake again. Habang ginagawa ko ang Snickers Cake...

"Looks like alam na alam moa ng pagbebake ah?" komento ni Kuya Ronn sa akin habang nagmimix ako ng cocoa powder, baking soda, baking powder, salt, eggs, buttermilk at iba pa.

"Sabi ko po sa inyo eh. I have skills. Hahaha." Sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

For 52 minutes, nacool na yung cake sa wire rack. Ang sunod na ginawa ko ay gumawa ako ng nougat filling at frosting. Inassemble ko na yung cake. Lagay ng nougat filling tapos caramel sauce, tapos second layer cake tapos nougat filling at caramel sauce uli. Then, last layer at naglagay na ng salted caramel frosting. Nilagay ko muna sa ref.

"Kuya Ronn! For one hour yung cake sa ref."

"You're doing great huh? Excited na akong tikman."

Habang hinihintay ko yung cake, gumawa muna ako ng chocolate ganache. After an hour, I started garnishing the cake. I slowly pour the chocolate ganache at the center of the cake at hinayaan kong tumulo yun sa sides ng cake. Nilagay ko ulit sa ref at maghihintay naman ako ng 30 minutes para naman maset up ng maayos yung ganache. Buti na lang marami ang ref dito at malalaki pa kaya naman nagawa ko sabay-sabay yung tatlong malalaking cakes.

"Kumusta na ang cake mo?"

"Ito na po kukunin ko nap o sa ref. For final garnishing na po."

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now