Part XLVI. Lunch

164 4 1
                                    

//Athena's POV

Nandito pa rin ako hanggang ngayon sa kwarto ni Zac. Nasa may sofa ako. Nang mabanggit ko sa kanya na nagluto ako ng tanghalian namin ay naging masaya sya at nag-aayos sya ngayon para sabay na raw kaming bumaba. Habang naghihintay ako sa kanya ay pumunta ako sa isang drawer nya na maraming picture frames.

Isa-isa kong tiningnan ang mga ito. Karamihan ay silang dalawa ng batang babae. Nakuha ng isang litrato ang atensyon ko. Napangiti ako nang makita koi yon. Dalawang bata ang andoon. Ang lalaki ay 7 years old at 6 years old ang babae, may kasama silang isang matandang lalaki na nasa 50 years old pero hindi halatang matanda na ito dahil sa angking kisig nya.

Binalik ko ang mga litrato sa kanilang pwesto. Kinuha ko naman ang isa pang litrato pero sa isang ito ay nag-iisa na lang ang batang babae. Ang nakapukaw sa atensyon ko ay ang suot nyang kwintas. Pamilyar. San ko ba ito nakita? May nawala ba sa memories ko? May posibilidad na bumalik ang selective amnesia mo. Hindi. Imposibleng magkaamnesia ako. Sumakit ang ulo ko sa pag-alala sa mga ito kaya naghina ako.

"Let's go?" sabi sakin ni Zac at lumapit sakin nang mapansin nyang hindi ko sya sinagot. Kinuha nya mula sa kamay ko ang litrato at agad na natigilan nang makita kung anong litrato iyo.

"Are you okay?" tanong nya sakin na may kasamang pag-aalala sa kanyang boses.

"I...I'm fine. Medyo sumakit lang ang ulo ko. Sorry pala at pinakialaman ko ang gamit mo." Sabi ko rito na medyo nahihiya. Naging pakialamera ba ako?

"No, it's okay. Let's go downstairs. I'm already hungry," sabi nito at nakangiti sakin. Umalis na kami sa kwarto nya at nakaalalay lang sya sa pagbaba ko sa hagdan.

Habang pababa kami ay may narinig kaming ingay na parang may nag-aaway. Nagkatinginan kami ni Zac at sabay na nagmamadaling bumaba. Nang makarating kami sa living room, nakita namin sina Drew at bestfriend Rance na nag-aaway sa isang piraso ng chocolate habang si James naman an referee sa dalawa. Si Lei naman ay busy sa paglalaro sa cellphone nya at si Wilson naman ay nagbabasa ng newspaper.

"You're awake already," sabi ni Wilson kay Zac at ngumiti. Ngumiti naman ito pabalik. Bumalik naman ang atensyon namin sa tatlo na parang hindi pa rin napapansin ang presensya namin.

"Why are you here?" seryosong tanong ni Zac sa tatlo kaya napatahimik sila.

"Uhm. Kakain?" sabi ni Rance at Drew kaya binatukan sila ni James.

"Anong kakain? You two are unbelievable!" sabi ni James sa dalawa at tiningnan si Zac nang bigla nya akong napansin kaya ngumiti sya.

"Hey Athena!" bati ni James kaya napansin din ako ng bestfriend ko at ni Drew.

"Hi Ats!" bati ni Drew.

"Bestfriend! Yow!" sabi naman ni Rance. Kahit kailan talaga.

"Ah. H-Hello?" patanong na sabi ko dahil mukhang nag-iiba sila ng usapan.

"Again. What are you doing here" tanong ni Zac kaya tinulak nina Rance at Drew si James pauna.

"Ah eh. Kakain?" hindi siguradong sagot ni James. Napatawa ako nang batukan sya nina Drew at Rance.

"Ouch. MASAKIT YUN AH!" inis na sabi ni James.

"Pano ba naman kasi James ano? Inulit mo lang yung sinabi nilang dalawa." Sabi ni Lei.

"Oo nga naman!" segunda ni Drew at sinubo ang chocolate na kinuha niya kay Rance.

"Eyy! Bat mo kinain?!" singhal ni Rance.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now