Part XI. ACES Card

199 11 7
                                    


//Athena's POV

Monday na naman. Di ko alam pero parang ayokong itapak ang mga paa ko sa sahig ng RCU. Parang may mali sa nararamdaman ko eh. Meron talaga. I feel that something bad will happen.

Hingang malalim, Athena! Walang mangyayaring di inaasahan. Hooooooo! Itinapak ko ang mga paa ko sa RCU, pero feeling ko, bawat hakbang ko, bumibigat. Why? Waaaaaa.

Dahil ba sa kinalaban ko si Clyde? Eeeh? Kinalaban ko ba? Di naman ah. Saka, kaming dalawa lang ang nakakaalam ng pinag-usapan naming yon, well, meron pa palang isa. Si Wilson. Pero. Mabait yon eh. Di nya pagkakalat yon. Tama! Wag kang paranoid, Athena.

Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad pero, ang tingin sakin ng mga estudyante ay kakaiba. Waaaaa. Horror na ba ngayon ang storya ko? Kung saan kakainin ako ng buhay? O di kaya, ipapalapa ng buhay? Kick those thoughts out of your mind, Athena! Not helping!

Lakad ka lang. Sus. Para yan. Waaa. Alisha. Daynara. I need you guys. Natatakot na ako sa matatalim na tingin sakin ng mga schoolmates natin. Huehue.

Pumunta muna ako sa locker ko at di ko na naman alam kung anong pakiramdam ba ito. Feeling ko magsisimula na ang kamalasan ko sa oras na buksan ko ang locker ko.

Nang buksan ko ang locker ko, isang card ang gumimbal sa akin. Isang card na hindi mo gugustuhing makita o mahawakan manlang. Ang ACES Card. Oras na makakuha ka nito, kahit sino, pwede kang pagkatuwaan. Dali-dali kong nilamukot yung card at tinago sa bulsa ko.

Mabilis at malalaking hakbang ang ginawa ko papunta sa classroom namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mabilis at malalaking hakbang ang ginawa ko papunta sa classroom namin. Ano ba yan? Bakit ba parang ang layo ng room namin?! Sana naman walang mang—

"OUCH!" sambit ko. Nakadapa ako ngayon dito sa sahig. Tiningnan ko ang nakapatid sakin. Tansi? Sino namang engot ang maglalagay ng tansi dito? Paano kung makapatid sila ng iba?

Wait. Parang para talaga sakin to' ah? Lumingon ako sa mga estudyante, tumatawa sila.

Hindi ko sila pinansin at tumayo na. Hindi ko pa naihahakbang ng isa ang kanan kong paa nang may nagbuhos sakin ng tubig. Hindi lang basta tubig, malamig ito.

"Manggagamit na ng tao, social climber at gold digger pa. My gosh. Kaya pala hindi ka namin nakilala nung party, inayusan ka pala nina Alisha at Daynara. Nakakahiya ka." Sabi nung mga estudyanteng humarang sakin nung first day of school. Yung tatlong babae. The mean girls.

Alam kong inayusan ako nina Alisha at Daynara, pero hindi ko sila ginamit. Never ko yung gagawin sa kanila. Mga totoo ko silang kaibigan at kailanman hindi ko sila peperahan.

"Buti at nainform kagad kami ni Clyde. Sana lang natauhan na sila Alisha at Daynara na ginagamit mo lang sila." Sabi naman nung isa at tinulak ako at sa pangalawang pagkakataon, napasalampak na naman ako sa sahig. Ano raw yon? Si Clyde?

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now