Part XLIX. Young Lady and Young Lord

174 5 0
                                    

//Athena's POV

"At kung maaari po sana, wag po muna nating ipaalam na isa akong Villamorsoza." Sabi ko sa kanila.

"What?!" gulat na tanong sakin ni Kuya Zac.

"Why is that, my princess?" nag-aalalang tanong ni Lolo.

"Ayoko pong magbago ang tingin ng mga estudyante sakin na makikipagkaibigan sila dahil isa akong Villamorsoza. Dahil lang sa pera, magiging mabait sila sakin at ayoko po noon. Saka pwede po bang isecret muna natin ito hanggang sa maalala kong muli ang nawalang memories sakin, para pag pinakilala nyo na po ako bilang tagapagmana ng mga Villamorsoza ay wala ng kulang sakin." Nahihiyang sabi ko habang nakayuko. Naramdaman ko naman na may yumakap sakin, si Kuya Zac.

"If that's what you like," sabi ni Kuya at hinawakan ang kamay ko.

"I promise you, Athena. We will regain your memories to complete you," nakangiting sabi ni Kuya kaya ngumiti ako.

"Okay. I understand. Get ready now, we will be having our dinner," sabi ni Lolo kaya pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto at agad ding bumaba para magdinner. Pagdating namin sa dining area...

O_____________O

O_____________O

Ang daming pagkaing nakahain sa mesa. Parang fiesta naman. Nakaupo si Lolo sa dulo nitong lamesa kaya umupo na rin ako sa kaliwa ni Lolo tapos si Kuya Zac ay sa kanan ni Lolo kaya magkatapat kami. Ang daming pagkain. Di ito magkakasya lahat sa tiyan ko.

"Let's eat and happy birthday to the both of you," nakangiting sabi ni Lolo.

"Magkabirthday tayo diba Kuya? Mas matanda ka lang sakin ng isang taon." Sabi ko at tumingin sa kanya.

"Yes, my sister," sabi nito sakin.

"Ha-Happy Birthday, Kuya. Sorry ha. Wala akong regalo sayo." Hinging ko ng tawad sa kanya.

"Just don't leave us again. It's already enough for me," sabi ni Kuya Zac at ngumiti.

"I'm sorry, princess. Hindi masyadong engrande ang birthday mo." Malungkot na sabi ni Lolo kaya hinawakan ko ang kamay nito.

"Lolo. Okay lang po iyon. Makasama ko lang kayo ulit, masaya na ako. Alam ko pong masaya sina Mama at Papa." Nakangiting sabi ko at nakita kong pinahid ni Lolo ang luha mula sa mga mata nya.

"Thankyou for coming into my life, Athena and Rence. I don't know what to do if you weren't here beside me," sabi ni Lolo sa amin kaya napangiti kami ni Zac sa sinabi ni Lolo.

"And Rence. It's so good to see you smile again like that," napatawa naman si Zac sa sinabi ni Lolo.

Oo nga ano? Dati, minsan ko lang syang makitang ngumiti lalo na ang tumawa. Lagi lang kasi syang seryoso at tahimik. Mysterious type kumbaga. He only speaks whenever he wants to. He only speaks when it is necessary, but I must say that he becomes talkative when we talk to each other. Napansin yata ni Zac na nakatitig ako sa kanya.

"What?" natatawang tanong nito sa akin.

"W-Wala naman. Hindi na kasi ako sanay na nakikita kang nakangiti at tumatawa. Ang snob mo kaya." Sabi ko.

"Well, masanay ka na dapat and hindi ako snob." Sabi nito kaya tumawa ni Lolo.

"Okay. Okay. Let's eat now. Athena, lead the prayer," sabi ni Lolo at nagsign of the cross kami.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now