Part XXVI. Odd

176 7 0
                                    

//Third Person's POV

Ala una ng hapon ng Sabado nang mapagdesisyunan ng ACES na pumunta sa bahay nina Clyde para sana anyayahan itong maglaro ng basketball ngunit walang Clyde na bumungad sa kanila. Tanging ang pinsan nitong si Daynara ang naroon sa sala.

"Hoy Tsui. Where is your cousin? It's already 5:30pm for Pete's sake!" frustrated na tanong ni James kay Daynara na nanunuod ng tv.

"Don't ask me James. Pare-parehas tayong andito." Walang ganang sagot ni Daynara at naglipat ng channel.

"Let's just play without Clyde." Suhestiyon ni Rance at pinatalbog ang bolang hawak nya.

"Really? How can we do that? Ayaw naman maglaro nitong si Zac. So anong mangyayari? 2 on 3?" iritadong sagot ni Lei kay Rance kaya naman napakamot na lang ito sa kanyang ulo.

"Ah! Wilson! Tara na lang doon sa mini gym nina Clyde. Papawis na lang tayo." Sabi ni Drew at umakbay pa kay Wilson habang nagtataas-baba ng kilay.

"I don't want to be dead. Baka pag nakita tayo ni Clyde doon sa gym ay tayo pa ang gawing punching bag." Natatawang sagot ni Wilson sa mga ito.

"Tss. Wag na nga." Sabi ni Drew at dumiretso sa kusina para sundan si Zac na ngayon ay nagluluto na ng dinner. May tiwala naman sa kaniya ang Auntie Nadine nya, ang nanay ni Clyde.

6:00pm

Dahil sa pagkainip, umakyat muna si Daynara sa kwartong laan talaga para sa kanya. Kahit kailan ay maaari syang tumuloy doon. Nahiga naman si James at naghanap ng mapapanood. Naglaro naman sa kani-kanilang cellphone si Rance at si Lei. Si Wilson naman ay naging abala sa pagbuklat ng mga magazine sa center table.

"Tawagan nyo na lang kaya si Clyde kesa aburido kayo dyan?" suwestiyon ng nakatayo sa labas ng kusina na si Zac. Agad na nagliwanag ang mga mukha nina Rance, Lei at James.

"Oo nga no! Bakit hindi natin naisip yun?" sabi ni James at idadial na sana ang numero ni Clyde nang biglang bumukas ang pinto.

"Oh! Andyan na pala ang kanina pa nating hinihintay." Natatawang sabi ni Wilson at ibinalik na muli ang magazine na hawak nito sa center table.

Agad na nangunot ang noo ni Clyde nang makita nya ang mga kaibigan sa sala at ang dalawa ay nasa kusina at lahat ng mga ito ay nakatingin ngayon sa kanya.

"What are you doing in my house?" kunot-noong tanong ni Clyde at naupo sa tabi ni Wilson.

"Naghintay sayo." Sagot ni James.

"Naghintay? Why?" takang tanong ulit ni Clyde.

"Mr. Lain. Nakalimutan mo na bang pumayag kang magbabasketball tayo ngayong araw? Eh san ka napadpad?" sermon ni Rance na hindi naman pinansin ni Clyde.

Namataan ni Clyde ang Stick-O na hawak ni James at kaagad itong kinuha at sya ang kumain. Nakahanda na sana iyong isubo ni James. Laking pasasalamat nito at malaki ang garapon ng Stick-O at marami pa iyong laman. Magsusubo na sana ulit sya ng bago nang hablutin ulit ni Clyde ito mula sa kanya.

"Stick-O ko yun! Bat ba kuha ka ng kuha ha Clyde?" singhal ni James dito at kumuha ulit ng isa pa. Natatawa na lang ang iba pa sa ginagawang kakulitan nina Clyde at James.

Bigla namang lumapit si Zac kay Clyde at inakbayan ito. Katatapos lang nitong magluto ng kanilang panghapunan kaya napagdesisyunan na nyang makisali sa mga kaibigan.

"Where have you been? Kanina ka pa nila hinihintay mula ala una ng hapon." Saad ni Zac dito.

"You should've called us, you idiot." Sabat ni Wilson at binatukan ng isa si Clyde. Hinimas lang ni Clyde ang ulo nya at ngumiti sa mga kaibigan.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now