//Athena's POV
Natapos ang first game namin sa Guerrero at nanalo naman kami. Syempre. Masaya ang lahat dahil naging maganda naman ang resulta ng puspusang training. Kahit ako. Feeling ko, naging maayos akong captain.
"Athena. Tara munang manuod ng volleyball game tutal mamaya pa ulit ang laban natin." Suhestiyon sa akin ni Ate Leah. Napatingin ako sa wall clock na narito sa club room at 5 minutes na lang pala at simula na ng laban nila.
"Captain Athena! Oo nga po. Sige na po."
"Please po? Promise po bago ang game natin, pupunta po agad kami rito sa club room." Papayagan ko naman sila. Ang inaalala ko, volleyball daw ang papanuorin, eh nangako na ako kay Jarred na manonood ako ng basketball game nila. Sabay kasi ng game nila ang sa volleyball.
"Ano kasi—"
"Sige na Captain!" ano ba yan. Sasabihin ko lang naman na manunuod ako ng basketball at di ako makakasama sa kanila.
"Si-Sige na nga." Sabi ko kaya naman napa'yes' silang lahat. Haaaay. Bahala na nga mamaya.
Dumiretso na kami sa volleyball court at ang daming tao. Bakit naman ganto ang dami ng tao dito ngayon? Last year naman ay hindi ganito tapos ngayon, panay sigawan.
"Bakit kaya ang daming tao ngayon dito?" tanong ng isang first year na nasa likuran ko.
"Waaaaaah! Ang gwapo mo Zac!" sabi ng mga manonood.
"Ang hot mo Lei!"
"Shet Drew! Ang puso ko!"
Kaya siguro sila naghihiyawan dahil andito ang tatlo sa ACES. Pero narinig ko ang pangalan ni Zac. Luh. Gusto ko tuloy manuod ng game. Pero mukhang di kami makakasingit dito.
"So totoo pala ang sabi-sabi. Sumali nga si Zac ngayon sa volleyball team." Ngayong taon? Ibig sabihin, di sya kasali dati? Bat naman kaya nya naisipang sumali?
Maya-maya ay may biglang umakbay sakin. Paglingon ko sa kanan ko, nakita ko si Daynara at Alisha. Namiss ko ang dalawang ito ha. Matagal-tagal ding hindi ko sila nakasama.
"Waaaah! Athena! Nakita ka uli namin! Namiss ka namin ni Alisha ng sobra!" sabi ni Daynara sa akin at niyakap ako. Niyakap ko naman sya pabalik.
"Ang cute mong tingnan ngayon Athena. No glasses with matching shooting gear pa." sabi naman ni Alisha kaya naman ningitian ko sya.
"Anong oras ang laban nyo Athena?" tanong ni Daynara sakin pagkabitiw nya ng yakap sakin.
"Ah. Pagkatapos ng Archery match. Matagal-tagal pa kaya naman napagdesisyunan namin na manood muna rito sa volleyball pero ang hirap makisingit."
"Duon tayo sa unahan. Sabi nina Lei ay duon tayo maupo kasama ang teammates mo. Grabe. Lakas mo sa tatlong yon ah. Tara na." sabay-sabay na nagyes ang mga kateam ko at ayun nga dumiretso na kami sa bleachers sa parteng unahan kaya naman kitang-kita namin mula rito ang laro.
"Yehey. Mapapanood ko ang ultimate crush kong si Drew!" sabi ng kateam kong si Mae, kabatch ko.
"Nako. Wag si Drew, babaero yon. Hahaha." Singit ni Alisha kaya naman nagtawanan ang mga kasama ko.
"Siguro naman mabait si Lei ano?" tanong ng isang third year.
"Pwede ng pagtiyagaan ang kakambal kong yon. Hahahaha." Sagot uli ni Alisha na ikinatawa uli namin.
"Basta. Ang siguradong matino ay si Zac. Hahahaha." Sabi ni Daynara habang tumatawa. Napapailing na lang ako sa kakulitan ng mga kasama ko.
"Pang-ilang set na to Daynara?" tanong ko kay Daynara habang nakapokus ang tingin ko sa laro.