Part XLI. Winning her Back

168 4 0
                                    

//Clyde's POV

Isang linggo na rin akong hindi pumapasok sa RCU dahil sa problema ng kumpanya. Andito nga sa Pilipinas si Mr. Villamorsoza pero hindi ganoon kadaling magpaappointment sa kanya. Ang hirap magset ng meeting with him dahil salang-sala ang mga nagpapaappointment. Piling-pili talaga.

"Son?" sabi ng mommy ko pagpasok nya rito sa kwarto ko.

"Nakausap mo na ba si Mr. Villamorsoza?" tanong ni mom sakin.

"I'm sorry, Mom. Hindi pa. Ang hirap magpaset ng appointment with him, mom. Even with Mr. Z. I can't reach him. I can't contact him," mahinahon kong sagot sa mom ko.

"THEN GUMAWA KA NG PARAAN PARA MAKAUSAP SILA! PINAGHIRAPAN NATIN TO, CLYDE! HINDI ITO PWEDENG BASTA NA LANG MAWALA!" pagwawala ng mom ko. I understand her kung bakit ganito sya ngayon. Alam kong stressed na sya dahil sa nangyayari sa kumpanya ngayon.

"Mom. Gumagawa ako ng paraan."

"Dapat lang, Clyde. Sinasabi ko sayo, Clyde. Pag hindi mo nagawan ito ng paraan, hiwalayan mo na yung girlfriend mong gold digger. Mas mahirap pa yan sa daga. She won't help our company to grow. Baka nga kahit piso hindi sya makatulong at isa pa. You'll marry Jewel. She'll be back here next week at sa RCU na rin sya mag-aaral this coming semester. You have to be there for her," pagpapatuloy ni mom.

"Mom! Ano ba?! Ito na naman ba tayo?! Hindi ko lulubayan si Athena." Pagmamatigas ko sa kanya.

"You know me, Clyde. If you won't leave her, I'll make her life a living mess. Don't dare me to do it," sabi sakin ni Mom bago umalis sa kwarto ko.

Napahilamos na lang ako because of frustration. Ayoko sa ganitong ugali ni Mom. Kapag ganito sya, naiisip ko na lang na mas mahalaga para sa kanya ang kumpanya. Mas mahalaga ang pera sa kanya. Even if our happiness is at stake, she wouldn't mind. Nasa America ngayon si Dad dahil busy din sya sa business namin doon.

//Third Person's POV

"Mabuti naman at andito na kayo. Kanina ko pa kayong hinihintay." Chill na sabi ni Daynara sa apat na lalaking bagogng dating habang umiinom ng juice at hawak ang cellphone nya.

"Ano bang nangyayari dyan sa pinsan mo? Isang linggo na syang hindi pumapasok. Hinahanap na sya ng mga profs namin." Sabi ni James.

"Aba malay ko doon. Nagkulong sya sa kwarto nya kaya ewan ko. Nag-aalala lang ako kasi tatlong araw na syang walang maayos na kain sabi sakin nung mga maid dito." Sabi ni Daynara habang nagsscroll sa phone nya at nakasunod lang ng tingin sina James.

"Wow. Ang bait mong pinsan ano?" sarkastikong sabi ni James.

"I know right. Sige na. Shupi na. Andon sya sa kwarto nya." Pagtataboy ni Daynara sa mga ito.

"Ang bait mo talaga ano? Hoy Dre—NAK NG?! Nasan na naman ang tatlong yon?" inis na sabi ni James dahil paglingon nya sa likuran nya ay wal na roon sina Drew, Rance at Lei.

Dumiretso ito sa kusina nang marinig na may ingay na nanggagaling doon. Pagdating nya sa kusina ay nakita nya ang tatlo na kumakain ng cookies. Napafacepalm na lang sya dahil doon. Ang tatakaw talaga nila. Sabi ni James sa kanyang isip.

"Hoy! Kayong tatlo! Anong ginagawa nyo ha?!" tanong ni James sa tatlo na nasa kusina.

"Edi kumakain. Ano ba Rance! Akin na nga yang cookies!" singhal ni Drew kay Rance na panay ang subo ng cookies ngayon.

"Ako dapat ang pinagbibigyan nyo eh! Ako ang pinakabata satin!" reklamo naman ni Lei at inagaw ang container ng cookies na hawak ni Rance.

Napahilamos na lang sa kanyang mukha si James at dali-daling lumakad papunta sa tatlo at kinuha ang apat na natitirang cookies at kinain iyon. Agad naman siyang tiningnan ng masama nina Drew.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now