Part LIV. Fake Truth

143 4 0
                                    

//Athena's POV

"H-Hindi ko k-kasalanan..." ang tangi kong sinasabi habang umiiling.

"ANONG GINAWA MO?!" sigaw ni Clyde habang hawak si Daynara kasabay ang pagdating nina Lei, Drew at Wilson.

"What is happening here?" takang tanong ni Drew.

"Daynara!" sigaw naman ni Lei at tumakbo palapit sa pwesto nina Clyde.

"Ano ba talagang nangyayari dito?!" inis na sigaw ni Wilson.

"Tinulak lang naman ni Athena si Daynara sa hagdan!" biglang sigaw ni Jewel kaya tiningnan ako nina Lei, Drew at Wilson pero umiiling lang ako habang umiiyak.

"Ang importante madala natin si Daynara sa ospital." Sabi ni Lei at kinarga na si Daynara palabas ng bahay kasunod si Drew at Alisha na umiiyak pa rin.

Si Clyde naman, masamang tumingin sakin habang bakas pa rin sa mukha ni Wilson ang pagkagulat. Agad-agad namang lumapit sakin si Jewel at sinampal ako ng malakas.

"Ang kapal ng mukha mo! Tinuring kang kaibigan ni Daynara tapos ginanito mo sya?!" sabi ni Jewel sakin pero tiningnan ko lang sya ng masama habang hawak ang pisngi kong sinampal nya.

"Ikaw ang walanghiya! Ikaw ang tumulak sa kanya Jewel! Nakita ko yon!" sabi ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

"At ngayon pagbibintangan mo ako?!" sigaw nya at sasampalin ulit ako nang pigilan ito ni Zac saka itinago ako sa likuran nya.

"Don't you ever try to hurt her!" seryosong sabi ni Kuya Zac. Gulat namang tumingin dito si Jewel at hinila ang kamay nyang hawak ni Kuya.

"She pushed Daynara, Zac! You should be mad at her! She only used you to become popular! She's such a gold digger, social climber, bit—PAK" nagulat na lang ako nang bigla itong sampalin ni Kuya Zac.

"K-Kuya..." bulong ko.

"James. Ilayo mo muna si Athena rito. Mauna na kayo. Susunod ako." Sabi ni Kuya kaya lumapit sakin si James at hinawakan ako.

"Tara na Athena." Sabi sakin ni James, tiningnan ko lang sya saka sya ngumiti sakin. "Halika na." dagdag nito at inalalayan ako palabas.

Bago pa kami makalabas ng bahay, nakita ko pa ang sobrang samang tingin sakin ni Clyde kaya yumuko na lang ako at tuluyang lumabas. Nang nasa sasakyan na kami at pauwi na...

"G-Galit ka rin ba sa-sakin, Ja-James?" mahinang tanong ko habang nakatingin sa labas.

"Hindi ako galit sayo. Naniniwala akong wala ka talagang kasalanan." Seryosong sabi nito sakin habang nakatingin sa kalasada.

"P-Pero...bakit ayaw maniwala sakin ni C-Clyde?" malungkot na tanong ko at yumuko.

"He's just confused right now because Daynara is his cousin. Don't worry. Your brother can handle this," sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.

"A-Alam mo?" gulat na tanong ko rito.

"Yes. Actually, last week pa. Hindi ko sinasadyang marinig yung pag-uusap nyo ni Zac. I was shocked and mad at the same time kasi tinago nyo samin. Pero nilapitan ako ni Zac at sinabi sakin ang sitwasyon nyo, lalo ka na. I promised Zac that I won't tell anyone about this." Tumingin ito sakin at ngumiti saka ibinalik sa daana ng atensyon.

"Sa-Salamat James." Sabi ko at ngumiti.

//Third Person's POV

Nang makaalis sina James at Athena...

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now