Part XLIII. Jelly Ace

161 4 0
                                    

//Athena's POV

Nasa kwarto ako ngayon, tulala at nakatingin lang sa kisame. Hindi pa rin ako makatulog dahil sa sinabi ni Clyde. Ano ba naman? Seryoso kaya sya doon? O pinagtitripan lang ako? Ano ba? Umamin na nga sya oh Athena, arte mo pa.

"Dahil gusto kita, Athena. Gusto na kita."

WAAAAAAAAAH! Tinakpan ko ng unan ang mukha ko saka ako nagsisigaw. Baka magising ko pa si Jess. Ang himbing na ng tulog non. Bakit? 2:00am na ng madaling araw at may pasok pa ako! WAAAAAAAH! Ano bang ginawa mo sakin Clyde! Nakakainis ka! May klase pa ako mamaya! ANO BAAAA!

6:30am

Nasa school na ako ng mga oras na ito. Bakit? Dahil hindi ako nakatulog. In short, wala akong tulog. At dahil nga wala akong tulog, ngayon ako inaantok. Ngayon pa. Nanunukso yata ang tulog ko. Kaninang gusto kong matulog, di ako makatulog at ngayong di ako pwedeng matulog kasi may klase ako, inaantok ako.

Tumingin ako sa paligid nitong school pero wala pang masyadong tao. Meron naman kaso yung iba nagppractice lang o di kaya nakatambay sa kung saan. Pumunta ako sa garden nitong school. Sa pinakalikod. Iba pa yung sa rooftop. Mas malaki ito. Dito na lang muna ako dahil tahimik dito at mahangin.

Tiningnan ko ang phone ko at 6:40am pa lang. 7:30 pa naman ang klase ko kaya may oras pa rin ako para matulog. Kulang-kulang isang oras din. Agad akong nahiga sa damuhan sa ilalim ng isang puno, malinis naman at walang mga langgam. Ant-free ang nakalagay e. Ayun. Paghiga ko, agad akong nakatulog dahil sa puyat.

//Zac's POV

Andito na ako ngayon sa RCU, kanina pa akong ala sais andito dahil may inasikaso akong papers dito sa university. Papunta na ako ngayon sa ACES Room para matulog muna dahil mamaya pa naman ang klase ko nang madaan ako sa garden nitong school.

Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko syang natutulog sa ilalim ng puno. Ang himbing naman nyang matulog kaya ayon, lumapit ako sa kanya at umupo ng pangprinsepe saka inayos ang ilang takas na buhok nya na nakatakip sa magandang mukha nya.

"You're still the same, Athena. Malapit na uli tayong magsama and when that happens, sana, sana hindi ka magalit sa amin and I hope that you would understand everything and I hope that when that time comes, we would be the same again," sabi ko sa sarili ko at tiningnan syang mahimbing na natutulog. Tingin ko ay nangangalay na sya sa kanyang pwesto kaya dahan-dahan kong binuhat ang ulo nya at nilagay sa mga hita ko.

Kinantahan ko sya ng favorite nyang kanta habang tinitingnan ang magandang mukha ng kapatid ko. I miss you so much, my sister. I miss you calling me 'Kuya'. I want you to come back to us. I really miss you, Athena Yuna Carlet Hyun.

I've been staring at the edge of the water

Long as I can remember

Never really knowing why

I wish I could be the perfect daughter

But I comeback to the water

No matter how hard I try

Every turn I take, every trail I track

Every path I make, every road leads back

To the place I know where I cannot go

Where I long to be

[CHORUS]

See the line where the sky meets the sea

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now