//Third Person's POV
Mula nang magkawalay sina Zac at Athena ay hindi na maiwasan ni Zac na sisihin ang kanyang sarili dahil sa pag-alis ni Athena. Na sana ay andoon sya para iligtas ang kapatid at sana ay hindi sila nakalimutan nito. Simula rin nung araw na iyon ay hindi na ngumingiti si Zac at lagi lamang nasa kwarto nya.
"Zac. Wake up already!" sabi ng gumigising sa kanya habang niyuyugyog sya.
"5 minutes more, Athena," malumanay na sagot ni Zac at nagtakip ng unan sa kanyang ulo. Bigla namang tumigil ang gumigising sa kanya at tiningnan lamang si Zac. Nang marealize ni Zac na hindi iyon si Athena ay agad itong umupo mula sa pagkakahiga at tiningnan ang gumigising sa kanya. Malungkot itong ngumiti.
"What are you doing here?" malamig na tanong ni Zac.
"I'm just waking you up. Your grandfather is waiting for you downstairs," pilit na ngiti ang binigay ni Nemiah kay Zac.
"Get out. Only Athena si allowed to get in here. She is the only one who can wake me up. Get out now," malamig pa ring tugon ni Zac at bumangon na sa kanyang kama.
"But, Zac..." masamang tiningnan ni Zac si Nemiah kaya napatigil ito.
"I'm just trying to cheer you up, Zac. I know what you're feeling. Athena wouldn't want you to be this miserable," nag-aalalang sabi ni Nemiah.
"You don't have any idea what I am feeling right now, Ate Nemiah. You don't know how does it feel to lose my sister. She's a part of me. It haunts me. The day she got bumped by the car, the horror is still here. Wala akong nagawa para iligtas ang kapatid ko," umiiyak na sabi ni Zac kaya lumapit si Nemiah dito at niyakap.
"Stay strong, Zac. We're here for you," sabi ni Nemiah habang yakap si Zac.
Philippines...
Nang makarating sina Alyssa, Alfred at Athena sa Pilipinas ay nakaalalay lamang ang mga ito sa bata. Sa pagsakay ng kanilang sasakyan. Wala pa rin sa sarili si Athena dahil hindi pa rin ito nakakaalala.
"Princess, we're going home," saad ni Alyssa sa anak na ngayon ay nakatingin lamang sa labas. Masakit para kay Alyssa ang makita na nagkakaganito ang anak lalo na at nawalay pa ito kay Zac.
"Stay strong, hon. We have to stay strong. We have to," mahinahon na sabi ni Alfred sa asawa.
"Nalulungkot ako for Zac. I know that he's in deep pain right now and wala tayo sa tabi nya para icomfort sya." Naiiyak na sabi ni Alyssa at yumuko na lamang.
"Don't worry hon. Next week, I'll fly back to Italy to check on him. He is a smart kid. He will understand everything. Besides, this is all for Yuna's sake," sabi ni Alfred at sumulyap sa anak na nasa backseat.
"Anak. This will be our home for now. Kapag gumaling ka na, you'll go to school, okay?" sabi ni Alyssa sa anak na ngayon ay nakatingin lamang sa bahay. Malungkot itong ngumiti dahil ibang-iba na si Athena.
"Hon. Nasa loob na ang mga gamit natin. Pumasok na kayong dalawa," sabi ni Alfred.
After 1 week...
Umuwi si Alfred sa Italy para dalawin ang panganay niyang si Zac. Nang makita sya ng anak ay sinalubong sya agad nito ng isang mahigpit na yakap.