PART LX. This is Goodbye

280 8 11
                                    

//James’ POV

I am here at my condo and guess what? Rance and Drew are here, eating my stocks. May bahay naman sila at may sariling ref. Dito pa talaga sila sakin nakikigulo. Habang nasa kusina ako, nakarinig ako na parang may nag-aaway sa sala kaya pinuntahan ko silang dalawa. Baka magulo pa ang condo ko.

“Hoy. Ano ba kayong dalawa? Bata? Para pizza lang, pag-aagawan nyo pa?”
“Lagot ka kay James, Drew. Ang takaw-takaw mo kasi.”
“Hoy Rance. Hiyang-hiya ako sqayo. Ikaw na nga nakaubos ng isang box nitong pizza.”
“Aba. At sinisisi mo pa ako?!”
“Oo. Kasi ikaw naman talaga ang umubos nyan kaya dapat akin yang pizza na yan!”
“Ano ba?! Shut up, you two! Ang iingay nyo! Ang sakit nyo sa ulo!” sigaw ko sa kanilang dalawa kaya napatingin sila sa akin.
“Ano bang problema mo ha, James?”
“Oo nga? Sigaw ka dyan ng sigaw.”
“Ah. Ako pa ang sigaw ng sigaw? Nahiya naman ako sa inyo. Ako ang may-ari ng condong to. Mas malakas pa kayo sa TV. Kung gusto nyong mag-away, magsilayas na kayo rito.” Singhal ko sa kanila.
“Breaking News. Pumanaw na kaninang umaga ang Head ng Villamorsoza Group of Companies na si Kimura Villamorsoza. Sa ngayon ay pinaiimbestigahan pa kung sino ang nasa likod ng pagpatay na ito. Sinasabing may isang nagpanggap na nurse ang pumasok sa kwarto nito at iyon ang pumatay sa kanya. Ang tanong ngayon ng marami, sino ang magmamana sa kayamanan ng Villamorsoza? Nagbabalita, Leah Encarnacion.” Gulat kaming nakatingin ngayon sa TV dahil sa balitang iyon.
“Sht. Patay na si Lord Kimura?!” hindi makapaniwalang sabi ni Drew.
“Oo nga? Sino ang gagawa non sa kanya?” tanong naman ni Rance.

Hindi ko na pinakikialaman ang pag-uusap ng dalawa. Ang inaalala ko ngayon ay si Zac at si Athena. Sht. Dahil dun ay dali-dali akong pumunta sa kwarto ko para kuhanin ang cellphone, wallet at susi ng sasakyan ko. I have to check on them.

“San ka pupunta, James?” tanong ni Rance sa akin ngunit hindi ko sya pinanin at tuluyan na akong umalis. Doon muna sila sa condo.


//Clyde’s POV


Nasa office ako ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako mapakali dahil iniisip ko si Athena. Isang buwan na rin ang lumipas mula nung macomatose sya. Hindi ko pa rin alam kung sino ang taong sumagasa sa kanya. Pinahahanap ko ito sa private investigator namin ngunit hindi ito mahanap.

I want to visit her again pero laging nakabantay duon si Wilson o di kaya naman ay si Zac kaya nahihirapan akong humanap ng tyempo. Ilang linggo na akonh hindi nakakapunta dun kaya hindi ko alam kung nagkamalay na ba sya o comatose pa rin.

“What are you doing here? Can’t you see that I am doing something?” seryosong sabi ko kay Jewel nang pumasok ito sa opisina ko.
“Ano ka ba, Clyde? Relax first. Mukhang hindi matutuloy ang pagpupull out ng Villamorsoza ng shares nila sa kompanya nyo.” Sabi nito sa akin nang nakangiti at nakaupo sa couch.

Ang huling sabi sa amin ni Mr. Z ay magpupull out na ang Villamorsoza ng shares nila sa kompanya pero ngayon ay hindi na matutuloy? Anong joke ba to?

“What do you mean?” tanong ko rito.
“Hindi mo ba alam? Patay na si Mr. Villamorsoza. Pinatay sya habang nakaconfine sa ospital. Balibalita ngayon kung sino ang magmamana ng kayamanan nya. Walang nakakaalam kung sino dahil wala naman itong naiwan at biglaan ang pagkamatay nya.” Sagot nito sakin.

Nang marinig ko ito bigla akong kinabahan at nalungkot pero para kanino? Kanino ako nalulungkot? I am feeling that someone feels sorrow right now.

“So, let us celebrate. Maglunch date tayo.” Sabi nito sakin.
“Magpull out man o hindi ang Villamorsoza ng shares nila, hindi ibig sabihin nun ay magrerelax na ako, Jewel.”
“WHAT?! Baka nakakalimutan mo, Clyde. My dad helped you out when Villamorsoza pulled out half of their shares. Your mom asked for our help.” Inis na sabi nito sa akin.
“I know. Okay? Pero it doesn’t mean that I will have to relax kaya kung wala kang gagawin, umalis ka na.” sabi ko rito na lalong nagpainis sa kanya.
“I am your fiancée, Clyde. Kaya kung nag-aalala ka pa rin sa gold digger bitch na iyon, stop it already!”  sigaw nya sa akin kaya naman tumayo ako at hinawakan sya nang mahigpit sa braso.
“Ano ba Clyde! Nasasaktan ako!” sigaw nito sakin at pinipilit na bawiin ang braso nya.
“Call her a gold digger and bitch once again, hindi lang yan ang aabutin mo sakin.” Sabi ko at marahas syang binitiwan.
“Subukan mo! Isusumbong kita kay Dad at kay Tita Nadine!” sigaw nya sa akin at lumabas na ng office ko. Haaay. I do not know her anymore.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now