Part XXXIV. Giving Up

152 4 0
                                    

//Athena's POV

"LEAVE!" galit na utos ni Clyde.

"Pe-Pero Cly—"

"I.SAID.LEAVE!!!!!" himay-himay na sabi nya habang galit na galit ang aura. Sa sobrang takot ko sa kanya, isama mo pa ang hiya ko sa rami ng mga taong nakatingin sa amin, tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon.

Hindi ako makapaniwala na hindi ako pinaniwalaan ni Clyde. Mapupula ang pisngi ko at alam kong babakat ang kamay ng mom nya sa magkabilang pisngi ko. Bakit? Bakit hindi ka naniwala sakin? Galit ako sayo Clyde. I hate you. You should've believed in me because I am your girlfriend.

Nakalimutan ko. Fake girlfriend nga lang pala nya ako. Habang umiiyak ako at tumatakbo, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumigil ako sa pagtakbo at tumingala sa langit habang sinasalo ng katawan ko ang bawat patak ng ulan. Pati ba ulan nakikiramay sa pagkadurog ng puso ko?

Sa paglalakad ko, hindi ko naamalayan na nakarating na ako sa park. Dito ko nakita si Clyde noon na may kasamang babae tapos umiiyak. Umupo ako sa isang duyan dito at nagpatuloy pag-iyak. Sya diba? Sya ang humingi sakin ng pabor na maging fake girlfriend nya ako. Sya ang naglapit sa aming dalawa.

Bakit ganon? Ang sakit e. Ang sakit sakit. Hindi e. Hindi ko dapat nararamdaman ang sakit na to. Hindi dapat. Hindi na lang sana sya pumasok sa buhay ko. Sana umiwas na lang ako sa kanya. Sana hindi ko na lang tinanggap ang favor nya.

Edi sana hindi ako nahulog sa kanya.

Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

Edi sana hindi kita minamahal ngayon!

Nakatingala lang ako sa langit habang nakapikit at sinasalo ang ulan nang maramdaman kong hindi na ako nababasa. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Wilson. Pinapayungan nya ako at hindi nya inaalintana kung medyo nababasa na sya.

"Athena. What are you doing here? Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Buti nakita kita. Where is Clyde? Alam ba nyang andito ka?" nag-aalalang tanong sa akin ni Wilson.

Hindi ako nakasagot agad at tumulo na naman ang mga luha ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kani-kanina lang. "Wi-Wilson,"

"Wh-Why are you crying? Ma-May nangyari ba? A-Ano? Sabihin mo sakin." Tanong nito sakin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tinawid ko na ang pagitan namin at niyakap sya ng mahigpit. Dahil sa bigla kong pagyakap sa kanya ay natumba kami at nabitawan ang payong nya kaya basang-basa na kami sa ulan. This is what I need. Karamay. Buti nandito si Wilson.

Hanggang sa maya-maya pa ay nagdilim na ang paligid.

//Wilson's POV

Pauwi na ako ngayon sa bahay. Kagagaling ko lang sa mall dahil bumili ako ng ice cream at chocolate. Pabili ni Ate. Pag hindi ko kasi binili agad-agad yun, yari ako. Saktong pagpasok ko ng sasakyan ko, biglang buhos ng malakas na ulan. Buti na lang may payong ako rito.

Habang nagddrive ako pauwi, lumiko ako sa may park tutal mas malapit kung dito ako daraan tapos may nakita akong tao doon. Bakit naman kaya sya nagpapaulan? Saktong pagtapat ko sa may swing. Athena. Agad na namuo ang pag-aalala saking dibdib. Bakit sya andito?

Sa pagkakatanda ko, nagdinner sila nina Clyde kasama si Tita Nadine. Kaya nasan na si Clyde? Alam ba niya na nandirito si Athena? Hindi pa ba sila nagkikita? Agad kong pinark ang sasakyan ko at dali-daling lumabas ng sasakyan bitbit ang payong ko at ang extra jacket na meron ako.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now