Part LVI. Getting Ready

150 3 0
                                    

//Athena's POV

Andito ako ngayon sa office ni Kuya Zac sa mansion. Dito na titira sina Jess at Kuya Adrian. Si Mama Sabel naman ay napagdesisyunang dito na rin manirahan kahit masakit para sa kanya na iwan ang bahay-ampunan dahil iniisip nya ang kaligtasan ko. Mabuti na lang walang nangyaring masama sa kanila dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Are you listening?" nawala ako sa iniisip ko nang magsalita si Kuya.

"H-Haaa?" takang tanong ko kaya napakamot ako sa ulo ko at tiningnan ako ng masama ni Kuya.

"Athena. Be serious about this. I'm not playing around. Buti na lang sinabi sakin ni Wilson na pumunta ka kahapon sa Lain Company, dahil kung hindi, baka napano ka na ngayon." Sermon nya sakin.

"Tsh. Bakit sinabi ni Wilson?" bulong ko sa sarili ko.

"Are you saying something?" tanong nito kaya tumingin ako sa kanya at umiling.

"Dahil sa ginawa mo, uuwi tayo sa Italy, whether you like it or not," sabi nito sakin.

"A-Ano? Pe-pero ayoko. Diba sabi ko babalik ako doon kapag bumalik na ang lahat ng nawawala kong alaala? Saka ayokong iwan sina Mama Sabel dito." Sagot ko rito.

"No, Athena. Dahil sa padalos-dalos mong kilos, we've decided that we'll be returning to Italy," sabi nito sakin na medyo mataas ang boses.

"Ayoko nga sabi! Kung dahil lang doon sa pagpunta ko sa mga Lain, hindi na mauulit yun. Saka Kuya naman. Ilang buwan na lang, gagraduate na ako, gusto kong matapos manlang ang high school." Sabi ko rito kaya tiningnan nya ako at lumapit sakin saka ako niyakap.

"Ayaw ko lang na mawala ka ulit sa buhay namin...sa akin. Ang hirap mabuhay kung wala ka. Iniwan na tayo nina Mama at Papa, wag naman pati ikaw. Please, Athena. Be safe. For me...para kina Mama Sabel." Sabi nito at niyakap ako ng mas mahigpit.

"Yes, Kuya. I promise," sagot ko.

Sa school, lagi akong sinasamahan nina Wilson at James kapag wala si Kuya Zac. May problema lang daw sa kompanya kaya hindi sya nakakapasok dito sa school. Naaawa ako kay Kuya kasi kahit gustong-gusto kong tumulong, hindi ko alam kung paano. Haaaay.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Wilson, sya kasi ang kasama ko ngayon.

"H-Ha? O-Oo naman. Okay lang ako." Sagot ko at ngumiti rito.

"I know you too well, Athena. Tell me. What's bothering you?" tanong nito sakin at binaba ang librong hawak nya saka ako hinarap.

"A-Ano. Gu-Gusto ko sanang tulungan si Zac tungkol sa kompanya. Kompanya na rin naman namin iyon diba? Kaya dapat ko syang tulungan, pero hindi ko alam kung paano. Ayokong maging pabigat kay Kuya." Sabi ko rito.

"Hahahahahaha. Ikaw talaga!" natatawang sabi nya at ginulo ang buhok ko.

"Eh diba ikaw din ang nagpapatakbo ng kompanya nyo sa Italy?" tanong ko rito habang inaayos ang buhok ko na ginulo ng isang to.

"Oo. Ayaw kasi ni Ate Nemiah na mag-asikaso kaya ako ang tinatawagan. Bakit mo natanong?"

"Kasi ano...magpapaturo sana ako. Sige na. Please?" pakiusap ko rito habang magkadikit ang dalawang palad ko at nagppuppy eyes.

"Oh. What a scene we've got here. Maybe, you're asking for money or you're pleading Wilson to marry you to gain money and get ahead of us," sabi ng isang taong biglang nagsalita kaya napatingin kami sa kung sino iyon. Nakita namin si Jewel kasama yung alipores nya. Valerie ata to?

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now