Part XLII. Enchanted Kingdom

161 3 0
                                    

//Third Person's POV

"Zac," tawag ni Mr. Villamorsoza sa apo nya na nagbabasa ng libro.

"Yes, Lo?" tanong nito sabay baba ng librong hawak nya.

"How's your sister? I heard that she passed out. Nattrigger na naman ba ang amnesia sya?" tanong ng matanda at tumabi kay Zac.

"She's fine already, Lo. Her doctor says na kaunti lang ang chance na pwedeng mawala ulit ang memories nya." Sagot ni Zac.

"Do you have a picture of her?" tanong ng matanda.

"Yes lo. I have one," sabi ni Zac at kinuha ang wallet nya kung saan andoon ang litrato nila ni Athena saka ito ipinakita sa kanyang lolo. "Kinuhanan ko po ito nung nasa AR kaming dalawa at katabi ko sya." Masayang kwento ni Zac habang inaalala ang araw na iyon. Nang makita ni Kimura ito ay naluha sya.

"She really looks like Alyssa. She's still pretty eventhough she's wearing her glasses. My granddaughter. My princess," naiiyak na sambit ni Kimura at hinawakan ang litrato.

"Mom and Dad's 6th Death Anniversary I getting near," biglang sabi ni Zac.

"You want to visit them, do you?"

"I would like to, grandpa, but I want to be with mys sister. I want to show Mom and Dad that we're together again," sabi ni Zac sa kanyang lolo.

"I know that they're guiding you from above, my grandson. I want to see her, Rence. I want to see your sister," sabi ni Kimura sa kanyang apo. Nagulat naman si Zac at napatingin sa kanyang lolo.

"But Grandpa! I thought, you'll see her on our birthday? Two weeks na lang Lo and she will be with us again," gulat pa ring sabi ni Zac sa kanyang Lolo.

"Just invite her to your house. I really want to see my princess, Rence," sabi ni Kimura.

"Alright then. I'll invite her next week," sagot ni Zac sa kanyang Lolo.

"Why not today?" takang tanong ni Kimura sa kanyang apo.

"She needs a rest, Lo. She has an important thing to do tomorrow," nakangising sabi ni Zac.

//Athena's POV

Linggo na ngayon at kagaya ng sinabi nya, hintayin ko sya rito sa apartment namin kaya heto ako ngayon at nakaupo sa may maliit naming sala habang naghihintay sa kanya. Simple lang naman ang suot ko ngayon, blue jeans and plain white v-neck shirt with matching white na converse, yung bigay sakin nina Daynara.

Kung magrereklamo man sya sa suot ko ngayon, bahala sya. Wala kaming dress code, kaya wag syang mag-inarte. Ilang minuto rin ang nakalipas nang makarating sya rito sa apartment namin. Paano ko nalaman? Syempre, bumusina ang mokong.

"Kanina ka pa naghihintay?" tanong nya sakin nang makalabas ako sa apartment at napukaw ang tingin ko sa suot nya ngayon.

White na round neck shirt na may bulsa sa kaliwang dibdib ng damit, alam nyo na iyon. Hehe. May nakasulat doon sa bulsa na BE MINE. Pinartneran pa nya yung damit nya ng ripped jeans, yung ripped sa tuhod lang. Alam nyo yon? Tapos nakawhite converse rin sya. Ang gwapo nya naman sa ayos nya ngayon.

"Are you done checking me out?" nakangising tanong sa akin ni Clyde. Nang mapagtanto na nakatitig na pala ako sa kanya, umiwas ako ng tingin kasi ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko.

"O-Oo! Kanina pa ako naghihintay kaya tara na!" sabi ko at hinawi sya sa daan at dire-diretsong pumasok sa passenger seat ng kotse nya.

Bahala ka dyan sa labas. Narinig ko namang tumawa sya at pumasok na sa kotse nya. Hindi ko na lang sya pinansin. Ramdam ko ang tingin nya sakin kaya ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana. Mahina pa rin syang tumatawa pero hindi ko pa rin sya pinapansin.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now