Part LI. Danger

134 3 0
                                    

//Third Person's POV

Habang nagmamaneho si Zac papunta sa university ay tinawagan nito si Wilson.

[Hello] sabi ni Wilson nang sagutin nya ang tawag.

"Wilson. Athena's missing. Clyde's looking for her right now," sabi ni Zac sa seryosong tono. Labis syang nag-aalala para sa kanyang kapatid.

[What did you say?!] biglaang sabi ni Wilson.

"Hindi ko alam. Tinawagan ako ni Christian kanina at hindi pa raw nakakauwi si Athena sa apartment. Akala ko pumasok sya kanina sa trabaho nya. Nag-aalala na sina Jess dahil hindi naman daw nagpapagabi si Athena lalo na kung walang trabaho at isa pa, may bagyo ngayon." Paliwanag ni Zac.

[Nagtaka rin ako dahil hindi pumasok si Athena. Where's Clyde?] tanong ni Wilson.

"He's in the university and I'm on my way there," sagot naman ni Zac.

[Hahabol ako sa inyo. Tutulong ako sa paghahanap.] sabi ni Wilson.

"I'll see you then," sabi ni Zac at binaba na ang tawag. Tinapon na lamang nito ang kanyang cellphone sa passenger's seat ng kanyang kotse at mahigpit na hinawakan ang manibela.

"Please be safe, Athena. Kuya is coming, wait for me," sabi ni Zac sa kanyang isipan at agad ding tumulo ang luha nya. Ayaw na nyang bumalik sa dati na malayo sa kanyang kapatid.

//Athena's POV

Nagising ako dahil sa lakas ng ulan. Pagmulat ko ay wala akong makita dahil sobrang dilim. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit. Igagalaw ko na sana ang mga kamay ko nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkakatali rito. Pati ang mga paa ko, mahigpit ding nakatali at ang bibig ko ay binusalan din.

N-Nasan ako?

Nilibot ko uli ang paningin ko pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ako dahil sobrang dilim dito. Sinubukan ko uling igalaw ang mga kamay at paa ko pero talagang sobrang higpit ng pagkakatali at hindi manlang ito lumuluwag kahit na ilang ulit pa akong gumalaw. Sigurado akong magsusugat ito. Inalala ko tuloy kung paano ako napunta rito.

4:50pm na nun. Aalis na sana ako pero naalala kong pupuntahan ko si Jewel. Itetext ko sana sya na bukas na lang kami magkita kasi ang lakas na ng ulan pero wala nga pala akong number nya kaya pumunta ako sa tambayan nila. Pagkarating ko, wala masyadong tao.

"J-Jewel," tawag ko rito pero walang sumasagot. Mukhang nakauwi na sila. Bababa na sana ako nang may magtakip ng ilong ko at may naamoy ako na naging dahilan para mawalan ako ng malay.

Naalala ko na. Andito ako sa 5th floor. Pinapunta nga pala ako rito ni Jewel. Saka ko lang naisip na baka andito sina Jewel. Sana ligtas sila. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang kumidlat. Bigla akong nabato sa kinauupuan ko. Bakit ngayon pa? Please po Lord, wag ngayon. Takot ako sa kidlat at kulog. Tapos kumidlat na naman.

Napaiyak na lang ako sa sunod-sunod na kidlat. Ayoko na rito. Ginagalaw-galaw ko ang mga kamay at paa ko na ngayon ay hindi pa rin lumuluwag. Pinilit kong tanggalin ang pagkakatali sa kamay ko para sana takpan ang tainga ko pero walang nangyayari, masakit pa rin, mahigpit pa rin. I feel so hopeless sa lakas ng kidlat na to.

Mama Sabel.

Ate Jess.

Kuya Adrian.

Wilson.

Lolo.

Kuya Zac.

Tulungan nyo ako.

Natatakot na ako.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now