Part XLV. I just missed it

151 3 0
                                    

//Athena's POV

Kinakabahan ako ngayon dahil Sabado na ngayon at isa lang ang ibig sabihin nun. Ngayon din ang punta namin sa bahay ni Zac. Kasalukuyan kong hinihintay ngayon si Wilson dahil sya ang susundo sa akin dito sa bahay kasi hindi ko alam kung saan iyon. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng busina.

"Bessy! Andyan na yung gwapo mong sundo!" tili ni Jess at nakasilip pa sa bintana.

"Sensya ka na Jess ha? Iiwan na naman kitang mag-isa rito." Malungkot na sabi ko kay Jess.

"Ano ka ba bessy? Mabuti nga yun para may mga kaibigan ka na rin bukod sakin. At least may social life ka na unlike before, school, café, bahay ka lang." nakangiting sabi sakin ni Jess. Niyakap ko sya sa sobrang tuwa sa kanya. Kung ituring nya ako parang kapatid nya ako. Parang ate ko na rin sya.

"Sige na. Naghihintay na si Wilson mo." Sabi ulit ni Jess at ngumiti pa ng nakakaloko.

"Oo na po. Sige na. Una na ako." Sabi ko at nagwave sa kanya.

"Take care and enjoy!" paalala sakin ni Jess na tinanguan ko lang at ngumiti. Lumabas ako ng apartment at nakita si Wilson na nakasandal sa kotse nya.

"Hey. Ya ready?" nakangiting tanong sakin ni Wilson at binuksan ang pinto sa passenger seat.

"Ahm. Hindi?" sagot ko kaya napatawa sya sakin. Pumasok ako sa loob at kumindat muna sya bago isara ang pinto saka dumiretso sa driver's seat.

"You nervous?" tanong nya sakin at nagsimula na syang paandarin ang kotse nya.

"Ahm. O-Oo. Bahay iyon ni Zac ano. Pag nalaman to ng fan girls nyo sa school, lagot ako." Sabi ko.

"Don't you worry, nothing bad will happen to you. We'll protect you and Zac will never let that happen," sabi ni Wilson na naging mahina yung padulo kaya hindi ko narinig.

"Ah. Malayo pa ba tayo Wilson?" tanong ko habang nakatingin sa bintana.

"Malapit na tayo." Sabi nito kaya lumingon ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya sakin.

Ilang minuto rin ang nakalipas nang makapasok na kami sa isang village kung saan nakatira si Zac. Ang lalaki naman ng mga bahay dito. Mansion na ito at hindi basta bahay lang. Hanggang sa nakita kong nasa tapat kami ng isang malaking gate na wala pa ako sa kalahati ng laki ng gate na ito. Napatingin naman ako kay Wilson.

"Diyan...DIYAN NAKATIRA SI ZAC?!" gulat kong tanong habang nakatingin sa napakalaking mansion na nasa harapan namin.

"GoodMorning Sir Wilson," sabi nung security guard dito at binuksan ang gate doon sa may pindutan. Ang galing naman ng gate na to. Hindi kayang pasukin basta-basta.

"GoodMorning," nakangiting sabi ni Wilson sa guards nang ipasok na nya ang sasakyan nya.

"Yes. We're here at Hyun's Mansion," sabi nito sakin at inihinto ang sasakyan sa harap ng main door. Bumaba na si Wilson sa sasakyan nya at pinagbuksan naman ako.

"G-Grabe naman to. Sobrang laki. Ilan silang nakatira rito?" manghang tanong ko dahil kahit yata benteng tao ay kasyang-kasya rito at maluwag pa.

"Actually, mag-isa lang sya with his maids and butlers," sagot nito kaya napanganga ako at tumingin sa kanya. Grabe naman kung ganon.

"REALLY?!"

"Yes. His parents died," malungkot na sabi ni Wilson na nagpalungkot din sakin.

"You're here!" masayang bungad ni Ate Nemiah at lumapit samin.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now