Part XXX. Going out with him

129 6 0
                                    

//Athena's POV

It's been two weeks since masabi ko kina Alisha at Daynara ang tungkol sa amin ni Clyde. Pero syempre, di nila alam na fake yun. Magmula rin nung araw na yun, hindi ako kinakausap ni Jarred. Snob lang nya ako. Kahit pag may groupings kami, wala. Hindi nya ako tinitingnan. Bakit kaya?

"Jarred!" tawag ko sakanya nang mapansing kami na lang dalawa ang andito sa room. Uwian na rin kasi.

"Oy?" tanong nito habang hindi nakatingin sakin at nag-aayos lang ng gamit nya.

"A-Ah. Ma-may problema ba ta-tayo?" tanong ko rito. Tinapunan lang nya ako ng tingin at dumiretso sa pinto. Napayuko na lang ako sa ginawa nya pero bago sya umalis, may sinabi sya sakin.

"Wala, Athena. It's just that the feeling is not mutual," Athena na ang tawag nya sakin? The feeling is not mutual? Anong sinasabi nya? Hindi ko maintindihan. Tatanungin ko na sana sya pero nakita kong sumama na sya sa barkada nya.

Hindi lang si Jarred ang nagbago ang pakikitungo sakin maging ang ibang mga estudyante. Lagi na nila akong ningingitian at binabati. Di ko alam kung maganda ba yun o hindi. Pero syempre, meron pa ring mga nanlalait sakin at masasama ang tingin.

Papunta na ako ngayon sa Lush Café. Mag-isa lang ako dahil nauna na sila Daynara at Alisha dahil may importante raw silang gagawin. Wala sa sariling naglalakad ako papuntang café. Nang marating ko na ang tapat ng café, nagulat ako dahil nakita ko si Clyde doon, nakasandal sya sa sasakyan nya.

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Tiningnan naman nya ako at ngumiti sa akin.

"Waiting for you. May work ka raw ngayon e sabi nina Daynara sakin."

"Eh bakit hindi ka pumasok sa loob at umorder ka ng kape or what. Pwede naman yun basta wag ka lang ulit mangbubuhos ng tubig." Sabi ko rito ng pabiro.

Tumingin sya sakin ng masama at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi agad ako makareact. Ano sa tingin nya ang ginagawa nya?

"Ho-Hoy. T-Teka. Ano bang ginagawa mo?"

"May pupuntahan tayo." Sagot nito sakin at kinaladkad ako papunta sa kotse nya.

"T-Teka! Ma-May duty ako! P-pwede bang mamaya na lang tayo pumunta after my duty?" tanong ko rito at tumigil sya sa paghila sakin.

"We will be having our date today. I already talked to your boss. Now, hop in," hindi na ako nakasalita pa.

Pagpasok ko sa sasakyan, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nya. Date raw? Hindi naman Sunday ngayon ah para magdate kami? Wednesday pa lang. Ano baa ng trip ng abnuin na to? At bakit ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko? Maya-maya pa ay naamoy ko sya.

"H-Hoy! Ano ba?! Lumayo ka nga sakin!"

"Seatbelt mo." Sabi nito at ngumiti pa sakin. Bat ang gwapo yata nya ngayon?

"Where do you want to go?" tanong nito sakin habang nagddrive. Tama ba ang rinig ko?

"H-Ha? A-Ano ulit?"

"Where do you want to go? Sabi ko diba, we're going on a date. You're going out with me,"

"P-Pero pwede bang daan muna ako sa apartment ko? K-Kasi, nakauniform pa ako ng café." Sabi ko rito at bigla naman syang tumingin sakin at ngumiti.

"Sure," sabi muli nito at ngumiti. What's with him? Iba sya ngayon. Mahinahon sya at sweet.

Pero naalala ko, fake girlfriend, fake relationship nga pala tong pinasok ko. We need to act sweet para maniwala ang mga tao. Yeah right. Walang meaning ang pagiging mabait nya. Ngayon lang yan habang di pa tapos ang kontrata namin. Maya-maya pa ay nakita kong papunta kami sa mall. Mukha bang ito ang apartment ko?

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now