Part XVIII. Sports Fest

207 7 0
                                    

//Athena's POV

Pabalik na ako sa club room namin nang may humila sakin sa braso. Agad ko syang hinarap at agad na nagsalubong ang kilay ko nang makita ko kung sino sya. Hinila ko na rin ang braso kong hawak nya.

"Oh, bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at humalukipkip. Bakit naman ngayon pa nagpakita ang isang ito? Nawala tuloy yung epekto ng sinabi ni Kuya Zac. Nakakainis.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sakin ha? Tapos doon kay Jarred ba yon at kay Zac, panay ngiti ka." Tinaasan ko lang sya ng kilay at agad na tumalikod para bumalik na sa club room. Nagulat naman ako nang makita ko sya sa harapan ko.

"Bakit ba tinatalikuran mo ko ha?" sabi nito sakin at inilagay ang kaliwang kamay sa pader.

"Ano bang pakialam mo ha Clyde? Kung wala ka namang sasabihin, pwede bang umalis ka sa harap ko? May practice pa kami at late na ako. Sinasayang mo oras ko. Kainis." Sabi ko rito at nilayasan na sya doon. Grabe talaga ang isang yon. Panira ng araw.

Pagpasok ko sa club room, lahat sila ay nagppractice na. Nakita ko naman si Ate Leah sa likod ng first years at ginaguide sila.

"Captain. Andito ka na pala. Medyo natagalan ka ata ah? Mukha ka pang highblood. Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Ate Leah kaya naman naalala ko na naman ang pagmumukha nung Clyde na yon.

Agad akong pumunta sa cubicle number 7 at sinuot ang hearing protection ko pati na rin ang eye protection. Kinasa ko na rin ang baril na andito at sinipat ng maigi ang red spot.

"Okay lang ako Ate Leah. May nakasalubong lang akong pampasira ng araw ko at subukan nya lang uli akong insultuhin at kahit na sinong taong malapit sa buhay ko, sinasabi ko sakanya, tatamaan sya ng bala ng baril na ito." Pagkatapos kong sabihin yon ay saktong pagputok ng baril at sakto yon sa red spot. Ibig sabihin, perfect 10 yon. At 70 meters lang ang layo noon.

"Nakakatakot ka Captain. Wag naman ganon." Komento ni Ate Leah at ningitian ko na lamang sya.

"Team! Proceed to the outdoor shooting range!"

"Bakit po Captain?" tanong sakin ng isang first year.

"Let us shoot more than 70 meters." Ang indoor shooting range kasi rito ay hanggang 70 meters lang. Kaya naman may outdoor shooting range kami para sa more than 70 meters.

"Patay. Ganyan talaga si Captain pag highblood. Mukha lang syang inosente, pero deep inside, galit yan." Rinig kong sabi ni Ate Leah. She really knows me well.


//Clyde's POV

Bakit ba lagi na lang akong nilalayasan ng babaeng yon? Hindi agad ako nakareact sa sinabi nya. Pano ba naman kasi wala syang suot na salamin. Like what the heck? Natulala ako dahil don. Ibig sabihin ba non, nagandahan ako sa kanya? NO WAY! Baka naman dahil ngayon ko lang sya nakitang walang suot na salamin at walang kamake-up make-up. Simple beauty kumba—ANONG SABI KO?! Wala yon! Wag nyong intindihin.

Ginulo ko ang buhok ko dahil hindi natuloy yung paghingi ko ng sorry sa nerd na yon. Ito pa ha. Naiinis ako dahil pag ako ang kausap nya, nakabusangot ba naman?! Tapos kaninang kausap nya si Jarred na kateammate ko saka si Zac, abot tenga ang ngiti! Pili ang ningingitian. Bwiset na yan. Sa inis ko, napabalik ako sa court.

"Hoy Clyde! Natagalan ka yata? Pumunta ka na rito! Samahan mo kaming magshooting!" sigaw sa akin ni Wilson. Agad naman akong pumunta don at pumwesto sa tabi ng lagayan ng mga bola at nagstart na akong magshoot ng magshoot. Wala akong pakialam kung hindi shumoot. Basta maibato ko to!

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now