//Athena's POV
Dalawang araw na rin mula nung tumuloy ako sa bahay nina Ate Nemiah at Wilson. Dalawang araw na rin magmula nang mangyari yung insidente sa restaurant at dalawang araw ko na rin hindi pinapansin ang mga tawag at texts ni Clyde para sakin. Nasa school ako ngayon at puro chismis na naman ang naririnig ko.
"Have you heard the news?"
"Nagawa nya talaga yun?"
"Ibang klase talaga ang babaeng yan. Her bitchy side is showing up,"
"At may gana pa syang magpakita rito ha?"
"Kick out na yan mamaya o bukas."
"There's no doubt about it. Malaki ang shares nina Clyde sa school na to." Nakayuko lang ako habang dumaraan sa kanila. Kinakabahan ako dahil baka nga mapatalsik ako sa school na to.
Habang naglalakad ako ay may humarang sakin. Tumingin ako sa kanila at nakita yung mean girls. Palagi na lang ba nila akong gaganituhin?
"You still have the guts to show your face in here, huh? Don't you know that you're already kicked out mula nung sinampal mo si Tita Nadine?" nakacross arms na sabi nitong parang leader sa tatlo.
"Yeah right. Go home now, nerd. You don't belong here," sabi nung isa pa.
"You're just ruining the school's name," maarte na sabi nung isa. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako maaapi ng kahit sino.
"Wala pa akong natatanggap na balita na tanggal na ako sa school na to kaya papasok ako hanggat gusto ko." Matapang na sabi ko pero sa loob-loob ko ay kinakabahan ako. Mas mataas pa rin sila sakin dahil mapepera sila at isa lang naman akong hamak na nerd.
"Wow. Ang tapang mo naman! Sumasagot ka na ha? Nagmamatapang ka e wala na naman kayo ni Clyde at sigurado ako na hindi ka na papansinin ng ACES dahil gold digger at social climber ka!" sabi ng leader nila at tinulak ako. Hindi naman ako nagpatinag sa kinatatayuan ko kaya nanatili ako sa mga paa ko.
"Lumalaban ka na ngayon ha!!" sasampalin nya sana ko kaya napapikit ako. Iniintay ko ang sampal nya pero ilang Segundo na rin pero wala paring tumatama sakin kaya minulat ko ang mga mata ko.
Jarred...
Hawak ni Jarred ngayon ang kamay nung babaeng sasampal sakin. Ano baa ng ginagawa nya? Baka mapahamak pa sya gawa ko.
"How dare you stop me from slapping that bitch?!" sabi ng babae at binawi ang kamay mula kay Jarred.
"Do you know what you're doing? Hindi mo naman gugustuhing malaman to ng ACES diba? Baka patulan ka na nila nyan. You know them," seryosong sabi ni Jarred sa babaeng nasa harap nya.
"Hindi ako natatakot sayo Jarred. Ligtas sya ngayon dahil sa mga nagtatanggol sa kanya. She's coming. Don't you forget that. Let's go," sabi nito at umalis na silang tatlo. Sinong darating? Binalingan ko ng tingin si Jarred pero ang sama lang ng tingin nya sakin.
"Oh. B-Bakit ga-ganyan ka makatingin?" takang tanong ko rito.
"Wala. Halika na. Malelate na tayo nyan e." sabi ni Jarred at hinila ako. Habang hila-hila ako ni Jarred...
"Athena," napalingon kami sa tumawag sakin.
"C-Clyde..." sabi ko. Dalawang araw lang kaming hindi nagkita pero namiss ko na agad sya pero masakit pa rin sakin ang ginawa nyang hindi pakinggan ang side ko.