//Athena's POV
Noche Buena na mamaya! Ibig sabihin, pasko na bukas! Ang bicllis ng panahon ano? Parang kailan lang wala pa ako sa piling nina Kuya Zac.
Ngayong araw, naisipan namin ni Mama Sabel na mamili para sa lulutuin mamaya. Ayaw nga kaming payagan ni Lolo kasi sabi nya yung mga chef na lang daw sa bahay ang bahalang magluto, pero ayaw ni Mama Sabel. Ayoko rin naman kasi sanay na ako na kami ni Mama ang nagluluto twing Noche Buena.
Nandito kami ngayon sa isang department store. Sa Men's Section para bumili ng mga ireregalo sa mga lalaki sa buhay namin. Sina Kuya Zac, Lolo, Kuya Adrian, Wilson at marami pa.
"Mama. Tingin mo ba ay ayos na ito para kay Kuya Adrian?" tanong ko kay Mama Sabel habang hawak ko ang isang jacket na kulay gray na may drawing na Finn and Jake. Natawa naman si Mama dahil doon.
"Oo naman! Matutuwa ang kuya mo nyan." Sabi ni Mama habang may hawak ding damit.
"Para kanino po iyan, Mama?" tamong ko rito.
"Ito ba? Para kay Zac sana. Tingin mo iha, magugustuhan ito ng Kuya mo?" tanong sa akin ni Mama Sabel habang hawak ang isang t-shirt na may nakalagay na 'Everything will be okay in the end'
"Okay po yan Mama! Ang cutee!" sabi ko at nakathumbs up pa ha! Kahit anong suotin ni Kuya Zac, bagay pa rin sa kanya. Ang gwapo kaya ng kuya ko.
"Mukhang hindi bagay sa kanya ito kasi dapat mamahalin ang bilhin natin kesa rito na 300 pesos lang." sabi sakin ni Mama na may lungkot sa boses nya.
"Okay lang yan, Ma. Hindi naman tumitingin si Kuya sa presyo ng ibibigay. Hindi sya mapili Ma. Kay Kuya Adrian ba? May ibibigay ka na po?" takang tanong ko kay Mama.
"Oo nga pala. Babae sana para naman magkaasawa na sya. Ang tanda na nya kasi." Sabi ni Mama kaya natawa ako pero naglakad din naman kami papunta sa mga sapatos.
May nagugustuhan daw si Kuya pero ewan ko ba don. Ang tanda na nga pero di pa nagkakagirlfriend. Nag-aalala na nga ako na baka tumanda syang binata. HAHAHA.
Halos limang oras din kaming andito sa mall bago namin naisipan umuwi na sa mansion kasi kasama namin doon sina Kuya Adrian, Mama Sabel at Jess mamayang Noche Buena. Pagdating namin sa mansion ay naghahanda na ang lahat para sa Noche Buena. Ang daming tao. Nakakatuwa naman pero nakakalungkot kasi yung ibang mga maids dito, butlers at security guards, hindi umuwi sa mga pamilya nila.
"Jen. Dumating na ba si Kuya?" tanong ko kay Jen kasi naman may trabaho pa rin si Kuya kahit magpapasko na. Ang sipag nya kasi.
"Hindi pa po, young lady." Sagot nito sakin habang may bitbit na kurtina.
"Ganun ba. Sige. Mukhang marami ka pang gagawin. Pasensya ka na sa abala, Jen." Sabi ko rito.
"Wala iyon, young lady." Sabi nito sakin at umalis na. Pumunta naman na ako sa kusina kung saan andon si Mama Sabel. Pagdating ko roon, ang busy nilang lahat. Lalo na si Chef Vince, head chef dito.
"Young lady, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong sa akin ni Chef Vince.
"Tutulong po ako sa pagluluto." Sabi ko rito at hinanap na si Mama Sabel. Nakita ko naman itong naghihiwa ng red bell pepper.
"Young lady. Hindi po ako makakapayag sa gusto nyo. Magagalit po sa amin si Young Lord. Ang mabuti pa po ay magpahinga na lamang kayo." Sabi nito sakin kaya naman lumungkot ang mukha ko.
"Pero gusto kong tumulong. Wala naman po kasi akong gagawin." Sabi ko rito at pumunta na sa pwesto ni Mama Sabel.
"Athena. Sige na. Makinig ka kay Chef Vince. Magpahinga ka na sa taas para hindi ka antukin mamaya." Sabi sakin ni Mama Sabel kaya wala na rin akong nagawa kundi ang umalis sa kusina. Naisip ko na lang na ibalot yung mga Christmas gifts na binili ko. Maya-maya pa ay may kumatok. Buti at tapos na ako.