Part LV. Her Threat

210 7 4
                                    

//Third Person's POV

Milan, Italy

"Lord Kimura. There's a phone call for you," sabi ni butler Kenneth kay Kimura at inabot ang telepono rito.

"Hello?"

"Lolo. It's me,"

"Zac. Is everything okay?" tanong ni Kimura sa apo.

"Lo. Hindi po. Sinaktan ng mga Lain si Athena." Sabi ni Zac kaya napatayo sa kanyang kinauupuan si Zac.

"WHAT?! They did what!?" galit na tanong ni Kimura.

"Sinaktan nila si Athena. I have a plan, Lo, but we have to bring Athena there in Italy. She's safer there," sabing muli ni Zac.

"How? You know her decision. She wants to come back here when she regained her lost memories. You know it, right, Zac?"

"But she's not safe here anymore," diin ni Zac.

"Babalik ako dyan sa Pilipinas. Wait for me," sabi ni Kimura bago binaba ang tawag.

"Kenneth. Prepare the private plane. We're going back to the Philippines,"

"Yes, Lord Kimura."

//Athena's POV

Andito ako ngayon sa mansion, kahit bagong taon na at pasukan na sa Lunes ay hindi pa rin ako nakakalabas ng bahay. Hindi ko alam pero nalulungkot ako dahil sa ginawa ni Daynara hanggang ngayon. Pumupunta lang dito sa bahay sina James, Ate Nemiah, Jayden at si Wilson.

Sabi nila, galit sakin si Alisha dahil sa ginawa ko kay Daynara kaya raw wag muna ako magpakita sa kanila pero imposible naman iyon kasi magkakaklase kami. Mag-isa ako ngayon dito sa garden nang dumating si Lolo.

"Athena," tawag niya sakin kaya tiningnan ko sya. Napatayo ako nang makita ko si Lolo.

"L-Lolo" ewan ko ba pero miss na miss ko si Lolo.

"Come here, my princess," sabi ni Lolo kaya tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya.

"How are you my princess? Did they hurt you? Tell me the truth," sabi nito sakin habang yakap ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak at yakapin sya ng mahigpit.

"Namiss po kita, Lolo."

"Namiss din kita, princess."

"May gusto sana kaming sabihin sayo." Sabi ni Kuya na nasa likod pala ni Lolo kaya naman napakalas ako sa yakap namin ni Lolo.

"Tungkol saan?"

"Gusto sana naming sa Italy ka na tumira." Sabi nito sakin pero naging sunod-sunod ang pag-iling ko.

"Diba sinabi ko na sa inyo na babalik lang ako sa Italy pag buo na yung ala-ala ko? Please. Sana maintindihan nyo ako." Pakiusap ko dahil ayaw kong iwan sina Mama Sabel, Kuya Adrian at Jess dito.

"Okay, but you won't go to school. Papupuntahin na lang namin ang mga teacher mo rito." Sabi ni Kuya pero umiling lang ako.

"Ayoko. Tatlong buwan na lang at ggraduate na ako."

"But I don't want to see you hurt. You know the people in our University," sabi ni Kuya sakin.

"Andyan ka naman Kuya. Alam kong hindi mo ko pababayaan at saka ako na mismo ang iiwas sa kanila. Ayoko ng gulo." Sabi ko at napayuko. Sigurado akong kalat na sa buong campus ang balitang pgtulak ko kay Daynara na hindi naman totoo.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now