//Athena's POV
Tuesday na at eto ako, kasalukuyang naglalakad papuntang room namin. As usual, all eyes on me. Hindi dahil sa nagagandahan sila sakin, kung hindi dahil agaw-atensyon daw ang style ko. Nerdy glasses, maluwag na uniform tapos ang kakapal pa ng dala kong libro tapos ang buhok ko sabog-sabog pa. Haaaay.
"TENA!" ano raw? Ako ba yon?
"TENA!" Tena? Teka! Ako nga! At si Jarred lang ang tumatawag nun sakin. Dahil dun, napalingon ako sa likod at nakitang tumatakbo papalapit sakin sina Alisha at Daynara. Wapoise, mga bes.
"Naman eh! Bakit Tena?!" singhal ko sa kanilang dalawa.
"GoodMorning din, Athena." Sigaw nilang dalawa at niyakap ako ng mahigpit.
"O-oy! H-hindi ako ma-makahinga." Sabi ko kaya naman bumitaw silang dalawa agad. Aba. Akala ko ay katapusan ko na eh.
"Hehe. Sorrrrrry, bes!" sagot sakin ni Alisha kaya naman ningitian ko sya.
"Tara na sa room, mga bes!" sabay kaming hinila ni Daynara papuntang aming room. Haaay suskupo.
"Wag nyo kong tawaging Tena ha." Sabi ko habang naglalakad kami tapos sabay silang tumigil at humarap sakin at nakapamewang pa ha.
"AT BAKIT?!" sabay nilang tanong sakin.
"Eh kas—"
"Kasi si Papa Jarred mo lang ang tumatawag sayo ng ganon? Yieeeeee. Ikaw ha!" sabi sakin ni Alisha at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.
"H-Hindi no! Ah. Hayaan na nga. Tayo na sa room." Sabi ko at nauna na akong maglakad sa kanila.
"Hoy. Athena. Sorry na. Intay lang oh." Sabi nila at tumakbo uli sa tabi ko. Habang naglalakad kami...
"OMG!!!!!"
"DUMATING NA ANG ACES!"
"MY GOSH! KUMPLETO NA SILA!"
"KYAAAAAAAAAH!"
Big deal ba araw-araw ang pagdating ng mga iyon?
Di na nagsawa sa mga mukha ng mga yon?
Tuwing darating, parang mauubusan ng boses ang mga babae rito.
Yung totoo? Anong napapala nila diyan kakasigaw? Haaaay.
Mainam eh kung tataas ang grades. Tch. Tch. Tch.
"Hay nako! Ang ingay!"
"Tara na nga Athena. Baka matapakan pa tayo rito dahil sa kalandian ng mga iyan!"
Ohhhhh. Akala ko ay may gusto ang mga to' sa pitong iyon na gwapo raw. Yun naman pala eh, parang tulad ko rin. Walang pake kung sino yung mga yon. Pero, di ko pa sila nakikita sa personal ha. As in. Never kasi akong pumupunta sa mga gatherings na about lang sa pitong iyon.
"Haaay salamat po at nakarating kami ng buhay dito sa classroom namin." Litanya ni Daynara kaya naman tumawa pati ang boys sa room namin.
"Walang klase? 7:54 na ah." tanong ni Alisha sa boys na nasa room. 7:30 kasi ang start ng classes.
"Hanggang recess wala kasi may meeting daw." Nanaman? Aba. Aba. Nagbabayad kami ng tuition dito tapos di naman nagtuturo. Ay. Scholar pala ako. Wala akong tuition. Hahahaha
"Eh, bat ubos ang mga babae rito sa room?" tanong ko sa kanila. Partikular na sa barkada ni Jarred.
"Eh kumpleto na ang ACES eh, syempre, excited." Paliwanag sakin ni Nigel.