Part XIII. I'm Sorry

191 4 0
                                    

//Daynara's POV

It's been a week nang iwasan kami ni Athena. Miss na miss na namin sya ni Alisha. Sa tuwing makikita nya kaming papalapit, mag-iiba sya ng daan at mag-iiwas ng tingin.

"Hoy. Alisha! Kausapin natin si Lyka. Sige na pleaaaase? Nakucurious na ako kung bakit sya ganito sa atin." Andito kami sa rooftop ngayon kung saan andito si Athena kanina, pero nang makita kami, ayun, kumaripas ng takbo. Aish.

"Hayaan muna natin sya, Daynara. She's not in good shape. Let's just understand her for now."

"Dahil to dun sa rumor na yon eh. Nakuu! Pag nalaman laman ko lang kung sino ang may pakana nun, malalagot sya sakin! Dahil sa kanya lumalayo si Athena sa atin!" sabi ko habang umaaktong may pinipisil na maliit na bagay sa daliri ko.

"Wait, Daynara. Hindi kaya may kinalaman to nung masquerade party? Nung badtrip si Athena? Nung tinanong mo kung okay lang sya?"

"Oo nga no? Parang nagtutugma na! Mula nung pagkatapos nung party, umiiwas na sya. Hmm. I wonder kung sino ang may pakulo nito. Sinasabi ko sakanya, hindi sya makakaalis sa school na to' hanggat wala syang sapak mula sakin."

Naglakad na kami ni Alisha papunta sa comfort room. Parehas kaming pumasok sa cubicle nang may narinig kaming nag-uusap na dalawang babae.

"Napapansin mo ba ang napapansin ko?"

"Ano naman yon?"

"Si nerdy president, mukhang iniiwasan na talaga sina Alisha at Daynara."

"She should be. Aba. Obvious na obvious na ginamit talaga nya silang dalawa para lang makapunta sa party. So disgusting."

"I know right. Good thing naipaalam agad ni Clyde ito sa whole campus, kung hindi, hanggang ngayon, dikit pa rin sya ng dikit sa dalawa. Haaay. Friend user, social climber at gold digger nga ang isang yon." Nagulat naman ako sa sinabi nung chismosang babae kaya napalabas ako agad sa cubicle. Nagulat ako dahil pati pala si Alisha ay lumabas na rin.

"Pakiulit nga nung sinabi nyo?" gigil na sabi ni Alisha.

"Si Clyde nga ba ang may gawa ng lahat ng ito, ha?!" pasigaw ko namang sabi sa dalawa.

"Da-Daynara. A-Alisha. A-andyan p-pala kayo."

"Obvious ba?! Sumagot na kayo pag tinatanong namin kayo!"

"Bakit? Totoo naman diba? Ginamit kayo nung nerd na y—"

*PAK*

"Ginamit? Bakit? Alam nyo ang buong istorya? Ngayon, si Clyde ba ang may kagagawan ng lahat ng to?!" tanong ni Alisha. Nakakawalang-pasensya ang dalawang ito.

"O-oo."

"Don't you dare say those words again. Wag na wag nyong lalaitin si Athena." Pagbabanta ko sa kanila saka kami umalis sa CR.

"What now? San tayo pupunta, Daynara?" nakasunod lang sakin si Alisha. Nagbibrisk walking kasi ako papunta sa college department.

"Sa AR. May dapat tayong turuan ng leksyon." Sabi ko at pinalagutok ang mga daliri ko.

This is war!

//Athena's POV

Nasasaktan ako. Ang sakit-sakit. Ang sakit na iwasan ko ang mga kaibigan ko. Andito ako ngayon sa rooftop nang makita ko sila Alisha na umalis na. Tumingin ako sa langit at di ko namalayan na pumatak na naman ang mga luha ko. Miss ko na silang dalawa.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now