Part XXI. Sports Match (Part 3)

176 9 1
                                    

//Athena's POV

Natapos na ang lahat ng laban namin at pasok na kami sa finals. Hemmingston University ang makakaharap namin. Bukas, Friday, ang last naming laban, pinakahuling laban kami para sa sports fest. Ngayon, may time kami para magpractice at kung gusto nilang manuod ng games, pinapayagan ko naman.

Sabi ng teammates ko, manunuod daw muna sila ng ibang games tutal wala kaming game sa araw na ito. Pumayag naman ako dahil nagtext din si Alisha na pupunta sila rito ni Daynara para sunduin ako.

"Athena! Tara na!" rinig kong sigaw ni Daynara. Haaay nako. Kahit kailan, ang lakas ng boses.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang hila-hila nila akong dalawa.

"Sa basketball court." Simpleng sagot ni Alisha sa akin.

"Ha? Eh, nagsabi sakin si Zac na panuorin ko raw sila nina Lei at Drew eh." Angal ko sa kanila.

"Eh mamaya pa naman ang game nila. Sumama ka muna samin." Pilit na naman sakin ni Daynara na tinanguan ko na lang. Baka mamaya magtampo pa sya sa akin.

Nang makarating kami sa court start na pala ng second half. Nakita ko rin ang mga kateam ko na nakaupo sa bleachers. Kumaway pa nga si Ate Leah sa akin.

Umupo kami sa may unahan at nakita ko si Clyde na tumingin sa gawi namin. Ningisian naman ako ng hambog na yon. Tapos si Wilson naman ay ngumiti sakin at kumaway pati si Jarred.

"Rebound by Kim, pinasa kay Elinchi, dinribble, pinasa kay Lain at three points!" sabi ng emcee. Nakita ko ang score at lamang kami. 76-67. Nakita ko si Clyde at nginisian ako. Bungian ko kaya yan ng isa?

"Wooooh! Ang galing talaga ng pinsan ko!" sigaw ni Daynara at pumalakpak pa.

"Ang ingay mo Daynara." Sita ni Alisha sa kanya.

Ang ganda talaga ng samahan ng tatlong yon sa basketball. Napangiti na lang ako dahil nakakatuwa silang panuorin sa loob ng court. Biglang nahagip ng mata ko ang pagtingin sa akin ni Clyde. Di yun assume dahil alam kong sa akin talaga. Tumingin pa ako kay Alisha at Daynara pero nanunuod lang sila.

"Oh em geee! I'm hyperventilating! Ningitian ako ni Clyde!"

"Wag kang assumera dyan girl. Ako ang ningitian."

Sige lang. Mag-away lang kayo dyan. Nagkatinginan pa nga kami nina Alisha at Daynara saka sabay na natawa. Maya-maya pa, tapos na ang game sa score na 120-108. Agad naman akong hinila ng dalawa papunta sa team nina Clyde.

"Congrats sa team nyo! Wow. Ang galing nyo! Pasok na rin kayo sa finals gaya ng team nina Athena!" sabi ni Daynara sa kanila at ngumiti.

"Magaling ang captain eh! Hahahahaha." Sabi ng mga kateam ni Clyde.

Bahagya namang lumapit sa akin si Clyde at ngumiti ng nakakaasar. Konti na lang at bubungian ko ang isang to'. Ano na naman kaya ang kailangan ng isang ito?

"Hoy nerd. Nakita mo ba lahat ng nagawa kong three points?" pagyayabang neto sakin. Lumapit ko ng kaunti sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

"Bakit? Makakathree points ka ba kung hindi nirebound ni Jarred yung bola? At saka hindi ka makakathree points kung wala ang mga pasa sayo ni Wilson at ng ibang teammates mo."

"Woooh! Captain wala ka!" nakita ko na medyo naasar si Clyde, serves you right.

"Pero magaling ako, wag mo ng itanggi." Sabi nito sa akin at tinuro pa ang sarili.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now