Part XX. Sports Match (Part 2)

179 8 0
                                    

//Third Person's POV

Katatapos lang ng archery match at nanalo naman ang men and women division. Naghahanda na ang lahat para sa shooting match sa pagitan ng Jade Pearl University at ng Royale Crown University. Ang iba naman ay pumunta sa iba't-ibang food stalls para bumili ng pagkain at ang iba naman ay naghahanda na para sa nga lalabanan nila para sa sports fest.

"It's been a while, Rence." Sabi ng isang binata kay Rence habang nakatingin sa mga estudyante ng RCU.

"It's nice to see you bro." sagot ni Rence rito at nakipagfistbump sa kausap nito.

"Nakita ko sya kanina. I accidentally bumped into her." Sabi ng binata kaya naman napatingin si Rence rito.

"Did she talked to you by any chance?"

"Oo. Ang ipinagtataka ko lang, bakit parang hindi nya ako kilala?"

"She knows you, she's just pretending that she doesn't." sagot sakanya ni Rence kaya naman nabigla ang kanyang kausap na binata at napatingin ito sa kanya.

"What the?! Bakit ba kasi hindi mo pa sya pinababalik sa pamilya natin ha Rence? Like what the hell, she is just one of those students."

"I'll do it soon. Natatakot lang ako na pagtangkaan ulit ng mga Prim ang buhay nya."

"We'll protect her whatever it takes. Siguro panahon na para tayo naman ang prumotekta sa kanya." Sabi ng binatang kausap ni Rence na agad nitong sinang-ayunan.

Ibabalik kita at kapag nangyari yun, hinding-hindi ko na hahayaang mawala ka pa. Sabi ni Rence sa kanyang isipan habang nakatingin sa kabuuan ng RCU.

//Athena's POV

Papunta ako ngayon sa club room para kuhanin ang gear ko. Pinauna ko na silang lahat dahil hindi pa ako nakakapag-ayos. Pipihitin ko na sana ng doorknob nang biglang bumukas ang pinto.

"Ano ka ba naman Ate Leah? Papatayin mo ako sa gulat nito." Sabi ko dahil bigla-bigla na lang syang lumalabas sa kung saan-saan.

"San ka galing ha Captain at parang putlang-putla ka ha?" tanong nito sa akin at nagpamewang pa.

"S-Sa cafeteria. U-uminom ng tubig." Mautal-utal kong sambit dahil kung tignan ako ni Ate Leah ay akala mo ay kakainin ako.

"Haay nako. Magbihis ka na, malapit ng magsimula ang 2nd game natin." Sabi nito at iniwan na ako.

Pagkatapos kong magbihis, dumiretso na ako agad sa outdoor shooting range, nakita ko naman agad ang mga kasamahan ko na nagreready na para sa laban. Nilapitan ko na ang limang lalaban para sa amin.

"Oh pano. Mga Ate. Kaya nyo yan. Naniniwala ako sa kakayahan nyo. Go, Fight, Win!" sigaw ko na sinundan naman nilang lahat.

"The second game for Gun Shooting Match is about to start, 5 players of each team, please step forward. Royale Crown University versus Jade Pearl University."

Nilibot ko ang paningin ko rito sa outdoor shooting range at nakita ko sa bleachers ang buong ACES. Literal akong napanganga. Anong ginagawa nila rito?

"Go women shooting team! Go Athena!" nagulat ako sa sumigaw at nakita ko si Daynara. Nakita ko namang siniko sya ni Jarred. Haay nako ang dalawang yun. Magkaaway na naman po sila. Nakita ko naman sa kanan ni Daynara si Alisha na kumakaway sakin.

Nakita ko naman ang anim sa ACES na todo kaway sa akin kaya naman kinawayan ko rin sila ng hindi masyado obvious. Baka kasi mapatay ako sa titig ng fangirls nila. Nakita ko naman sa gitna ang ever sungit leader nila na si Clyde. Inirapan lang ako. Leche to'. Kung ayaw nya kong makita, lumayas sya rito.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now