Part XXII. Sports Match (Part 4)

184 8 0
                                    

//Athena's POV

Andito na kami sa outdoor shooting range. Ito rin kasi ang ginagamit ng archery club. Parang sa gun shooting, may tatlong rounds din para sa archery. Ang pinagkaiba lang ay ang 1st round ay 70 meters, 2nd round ay 80 meters at ang 3rd round ay 90 meters. May 5 players each din tapos first to make three wins din.

Namataan namin si Rance na nakasuot ng pangarchery. Nang makita nya kami, agad itong kumaway sa amin. Pagkatapos namin syang kawayan, bumalik na sya sa pwesto nya at naging seryoso ang mukha nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kaseryoso.

Dahil nagtie sila sa 2-2, nagkaroon ng pagkakataon si Rance para ipanalo ang laban. Pumunta na sya sa pwesto at hinawakan ang bow and arrow nya. Sobrang nakafocus sya ngayon kaya naman nakakuha sya ng perfect 30 sa first round, ganon din ang kalaban nila.

"Waaaaaah! Nakakakaba!" sigaw ni Daynara at humawak pa sa bandang dibdib nya.

"Hoy araw, pwede bang tumahimik ka? Ang ingay mo. Baka mamaya nyan madistract yung si Rance." Sabi naman ni Jarred at binatukan ng kaunti si Daynara.

"Hoy banga, tumahimik ka dyan kung ayaw mong bambuhin kita." Sagot ni Daynara rito at umirap.

"Daynara. Wag kang kabahan, okay? Magaling dyan si Rance." Pagpapakalma ni Alisha at hinawakan ang balikat ni Daynara.

Sa second round, perfect 30 na naman silang parehas. Medyo nakakakaba nga ito. Ang dikit ng laban nila. Napatingin ako sa hilera ng mga kasama ko at napansin kong ang tahimik nila. Pati nga si Drew, hindi nag—

"Rance! Ipanalo mo yan para makapasok kayo sa finals! Aba! Nakakahiya naman sa aming anim pag ikaw lang ang hindi nakapasok! Saka, pag ikaw natalo dyan, hindi ka na makakakain ng luto ni Athena!" sigaw ni Drew kay Rance kaya bahagyang napailing si Rance at ngumiti. Gumaan naman ang tensyon dahil doon sa sinabi ni Drew. Dinamay pa ako. Hahaha.

"Oo na. Syempre, hindi ako makakapayag na hindi ako makakakain ng mga luto ni Athena ano." Sagot sa amin ni Rance kaya naman natawa ang mga nanonood dito. Binalik nya agad ang atensyon nya sa target nya.

After 3rd round, nakaperfect 30 si Rance at yung kalaban nya ay 28. Ang galing. Magaling nga talaga si Rance gaya ng sabi ni Alisha. Dahil doon, nanalo ang RCU sa archery men's division. Pagkatapos magcelebrate ng archery team ay lumapit na agad sa amin si Rance.

"Oh pano ba yan, ipagluluto mo kami Athena. Hahaha." Sabi ni Rance at umakbay pa sa akin. Bakit ba ang hilig mang-akbay ng ACES?

"Oo na. Haaays. Ang kukulit nyo." Sabi ko at napakamot sa aking ulo.

"Tutal pasok tayong lahat sa finals, why don't we celebrate?" sabi ni Clyde at humarap sa amin.

"Libre mo Maxson?" tanong ni Wilson at umakbay kay Clyde. Agad naman itong sinamaan ng tingin ni Clyde at tinanggal ang pagkakaakbay nito sa kanya.

"Hoy. Jace. Wag mo akong tawaging Maxson." Sabi ni Clyde kay Wilson. Napailing na lang ang lahat sa kakulitan nilang dalawa.

"By the way, let us go to my restaurant. My treat." Sabi ni Clyde at ngumiti sa amin. Marunong naman pala syang ngumiti. Ayaw nyang dalasan para naman magmukha syang tao.

Ang kasama ngayon sa celebration ay ang ACES, syempre, mawawala ba ang pitong yon? Tapos si Alisha, Daynara, Jarred at ako. Yung iba kasi ay kasama ang mga girlfriends nila.

"Jarred, dala mo naman ang motorbike mo no?" tanong ni Clyde kay Jarred. Bakit kaya? Umoo nalang sakanya si Jarred.

"Girls, makikiangkas kayo samin." Sabi ni Drew at namewang. What?! Hindi pa ako nakakasakay don! Natatakot ako. Baka malaglag ako.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now