//Third Person's POV
One week na ang nakakalipas nang makapiling na muli ni Athena ang kanyang pamilya at isang linggo na ring hindi alam ng mga estudyante sa RCU ang totoong pagkatao nya, dahil na rin sa pakiusap ni Athena sa kanyang Lolo na ilihim ang kanyang totoong pagkatao.
Isang linggo na rin ang nakakalipas nang mas lalo pang mapalapit ang magkapatid na sina Athena at Zac sa isa't isa at isang linggo na ring pinagpapatuloy ni Clyde ang panliligaw nito kay Athena na labis namang kinaiinisan ni Jewel na parang hindi umuubra ang charm nito sa binata.
Sunday Morning.
11am.
Niyaya ni Jewel na magshopping si Clyde kaya naman nasa mall sila ngayon. Para kay Clyde, isang simpleng lakad lang ito pero para kay Jewel, date na ang isang iyon. Papasok silang dalawa sa isang shop tapos lalabas na may dalang isa o dalawang paper bag. Halos magtatatlong oras na sila sa loob ng mall habang hawak ni Clyde ang ilan sa binili ni Jewel.
Sa kanang kamay ni Clyde ay hawak niya ang phone nya at katext si Athena. Si Jewel naman ay may hawak rin na tigtatlong paper bag sa magkabilang kamay hanggang sa huminto si Jewel sa tapat ng isang chocolate shop. Agad nyang hinila ng mahina si Clyde palapit sa kanya.
"Clyde, tara pasok tayo." Sabi nito at hinila si Clyde. Napailing na lang ito habang nilalagay ang phone sa kanyang bulsa. Paborito rin kasi ni Jewel ang mga tsokolate.
"Waaaaaah! Clyde! Gusto kong bilhin silang lahat." Sabi ni Jewel pagkapasok nila nang makita nya ang iba't ibang klase ng tsokolate. Tuwang-tuwa si Jewel kaya napatawa ng mahina si Clyde sa inaasal ni Jewel.
"Alright. My treat. Kahit ano ba?" tanong ni Clyde kay Jewel, tumango naman ito bilang sagot. Kukuha n asana si Clyde nang may maalala sya. Napangiti na lamang ito at napailing. Napansin naman ito ni Jewel.
"Why are you smiling? Naalala mo ko? Ayieee. You're thinking about me, right?" sabi ni Jewel at sinundot-sundot yung tagiliran ni Clyde. Natawa naman si Clyde dahil sa sinasabi ni Jewel.
"Stop that, Jewel," natatawa pa ring sabi ni Clyde.
"Admit it, Clyde. You love me. Para sagutin na kagad kita ng oo." Sabi nito at ngumiti ng malapad, ginulo naman ni Clyde ang buhok ni Jewel.
"No, Jew. I love you as a sister, you already know that, right? I just thought about Athena. Hindi kasi sya kumakain ng chocolates masyado because of her asthma and I still remember how she rejected me when I gave her chocolates," natawa na namang muli si Clyde nang maalala nya ang araw na iyon. Bigla namang sumimangot si Jewel sa kanyang narinig mula rito. Nasasaktan sya dahil kahit sila ang magkasama ay si Athena pa rin ang nasa isip nito.
"I almost forgot about your chocolates," sabi ni Clyde.
"I don't want them," sabi ni Jewel at nagwalk out.
"What happened to that woman?" mahinang bulong ni Clyde sabay kamot sa ulo nya saka binayaran ang mga chocolates na kinuha nya saka sumunod kay Jewel.
"Nakakainis! Ako na nga ang kasama nya, yung pangit na mahirap na yun pa rin ang nasa isip nya! Nasa akin dapat ang atensyon nya!" mahina at inis na sabi ni Jewel at pumasok sa isang jewelry shop.
"GoodAfternoon, Ma'am," sabi ng sales lady sa kanya.
"May I see this one?" sabi ni Jewel at tinuro yung kwintas na may star na pendant na may diamond heart sa loob. Nilabas naman ito agad ng sales lady at pumasok naman ng shop si Clyde.