Part IX. Masquerade Party (Part 2)

202 14 3
                                    

//Athena's POV

Tumikhim ako kaya parang nawala na sila sa pagkatulala. Lumapit ako sa kanila dahil nacucurious ako kung bakit ganyan ang asta nila.

"May...problema ba?" tanong ko sa kanila. Kinakabahan ako. Baka kasi hindi presentable ang itsura ko.

"OMO! You're so gorgeous, Athena! Natulala kami sa ganda mo! Grabe ka!" turan ni Alisha. Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi nya.

"Dyosang dyosa ang dating mo, Athena! Nahiya naman kami. Hahahaha." Napatawa na lang ako sa kanila. Napansin naming 8:15 na. late na pala kami!

"OMG! Late na tayo, girls! Tara na. Bilisan na natin!" Nag-elevator na lang kami papunta sa parking lot nitong mall. Nakakahiya raw kasi dumaan sa loob na ganto ang bihis. Pinaharurot na ni Alisha ang sasakyan nya at saktong 8:30 na kami nakarating. Not bad. Marami rin ang kararating lang.

Pagtapak namin sa Red Glace Resort, pumunta na kami sa party hall at pagpasok namin duon, marami ang nakatingin sa aming tatlo. Nakakahiya. Hindi ako sanay na ganto ang titig sa amin or sa akin. Kadalasan kasi, ang mga tingin na pinupukol sakin sa school ay parang nandidiri, pero ngayon, admiration.

"You may now remove your masks. Enjoy the night ladies and gentlemen!" seriously? Di manlang nag-init sa mukha ko yung maskara. Haaaay. Hindi na masquerade party ang tawag dito. Aissh.

"OMG. New student ba sya sa RCU?"

"Ang ganda nya ha. Di ko sya mamukhaan." Komento ng mga tao kaya naman namumula na naman ako.

"I told you, ang ganda mo ngayon." Bulong sa akin ni Alisha kaya naman dumiretso na kami sa assigned seats sa amin. Hindi pa nagsstart ang program kaya naman nagpaalam ako na magrerestroom lang ako. Madali lang hanapin at hindi naman ako naligaw.

Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin at ngumiti. Ngayon ko lang naramdaman na ang ganda-ganda ko. Matapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na ako. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may nakabanggaan ako.

Muntik na akong matumba sa sahig pero hindi natuloy dahil nasalo nya ako. Nakahawak ang kanan nyang kamay sa likod ko at ang lapit ng mukha nya sa akin. Hindi ko maaninag ng maayos ang kanyang itsura dahil medyo madilim.

"Let us all welcome the newly arrived young businessmen in the Philippines, Zac Lawrence Hyun, Lei Myco Joo and James Warren Han!" isang masigabong palakpakan ang narinig ko mula sa loob. Natauhan ako sa pwesto namin kaya umayos ako ng tayo.

"Naku. Sorry, hindi kita nakita agad. Sorry talaga." Sabi ko habang nakayuko. Nakakahiya.

Inangat ko ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. This couldn't be happening. Bakit nandirito yan?! Bakit?! Wag nyong sabihin na DITO SYA NAG-AARAL?!

"Ikaw na naman?!/Sino ka?!" sabay naming sabi at nakaduro pa sa isa't isa.

//Daynara's POV

Nasan na ang babaeng yon? Ang tagal naman yata sa CR ni Athena? Wag nyong sabihin sakin na nilamon na sya ng bowl? O kaya ay kinain na ng salamin? Tapos na magsalita sina James, Zac at Lei, pero wala pa rin ang babae. Maya-maya ay lumapit na rito sa table namin ang tatlo.

"Oh. Bat kayo andito?" tanong ko sa tatlo.

"Oh. How sweet naman. Di nyo ba kami namiss? One month din kaya kaming nawalang tatlo." tanong sa amin ni James.

"Oh. And so?" tanong ni Alisha. Sanay na sa amin ang mga lalaking to'. Kaming dalawa lang kasi ni Alisha ang babae sa barkada.

"Anyway, how are you?" tanong sa amin ni Zac.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now