Part XLVII. Birthday

177 3 0
                                    


//Athena's POV

Ilang araw na lang at birthday ko na. Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil parang may mangyayari sa birthday ko. Napailing na lang ako sa naisip ko at muling tiningnan ang kwintas na hawak ko. Gusto kong tanungin si Zac kung sino ang batang babae na iyon dahil magkaparehas kami ng kwintas.

Pero sabi ng Mama ko ay nag-iisa lang iyon dahil pinasadya nya iyon at tuwing inaalala ko ang bagay na iyon ay sumasakit ang ulo ko. Posible nga bang bumalik ang selective amnesia ko? Bakit parang nawala sa ala-ala ko ang ibang pangyayari sa buhay ko?

Binalik ko na sa lalagyan ang kwintas at kinuha ko na ang gamit ko papasok sa school. Pagdating ko sa university ay halos lahat ng kanilang mga mata ay nakatingin sakin. Nagbubulungan sila, hindi naman nab ago iyon pero ang tingin nila ay parang iba. Hindi ko na lang ito pinansin. Hindi na sila magbabago.

"I heard that Jewel's back,"

"Oo nga raw at panigurado, wala na yang nerd nay an. Papansin."

"I know right, akala nya siguro magiging isa sya sa barkada nila."

"Kompleto na talaga ang barkada nila sa pagbabalik ni Miss Jewel."

"Yeah right. Kawawa naman yung nerd na yan. Maaalis na sya sa grupo."

"That's just fine. Panira lang sya e."

Ilan lang ang mga yan sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung normal na pag-uusap lang ba nila iyon o sinasadya talaga nilang iparinig sakin. Napayuko na lang ako dahil sa narinig ko saka mabilis na naglakad. Alam ko naman na iyon. Hindi ako bagay makisama sa kanila na mayayaman.

Mabilis lang akong naglalakad hangggang sa may humila sa kamay ko at hinila ako papunta sa High School Building. Tiningnan ko kung sino siya. Si Jarred. Kasama nya ang iba ko pang kaklase na lalaki pati syempre ang barkada nya. Napangiti ako dahil kahit lagi akong sumasama sa ACES ay andito pa rin sila.

"Haaaays. Nakakainis ka na Tena ha. Dapat marunong kang lumaban eh! I hate weaklings," sabi ni Jarred na sinang-ayunan ng iba pa.

"Oo nga nerdy. Dapat sinuntok mo sila sa mukha nila." Sabi naman ni Tyson at umaktong may sinusuntok.

"O kaya naman ay dapat sinipa mo sila." Sabi naman ni Nigel.

"Hindi eh! Maganda yung mag-asawang sampal tapos sabunot. Pang girl fight mga tol." Sabi ni Angelo.

"Hindi ganon! Dapat binaril mo na lang! Tutal ay ikaw ang captain ng Gun Shooting!" sabi naman ni Jin at umaktong may binaril. Napatawa na lang ako sa kanila.

"Kung ganon, turuan nyo akong manuntok at manipa." Sabi ko. Nakisakay na lang ako sa kanila dahil kahit papano ay hindi ko na napapansin ang mga tingin nila sakin.

"Sure! No problemo! Basta ha. Hindi yun free. May bayad iyon." Sabi ng kaklse kong lalaki.

"Ano ka ba, Fred? Walang pera yang si nerd no! Ito na lang. Pagluto mo na lang kami."

"Oo nga! Yun na lang bayad mo!" sang-ayon nilang lahat. Napatawa na lang ako sa kakulitan nila. Hahahaha.

"Sige ba!" sagot ko sa kanila. Nakita ko naman si Jarred na nakangiti habang nakatingin sakin kaya nginitian ko na rin sya pero bigla syang nag-iwas ng tingin.

"A-Ano. Halina na nga kayo! Mga gago. Malelate na tayo!" sabi ni Jarred at naglakad ng mabilis.

"Mas gago ka! Hype na to!" sabi ng isa kong kaklase at binatukan si Jarred.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now