Part XL. Villamorsoza Family

186 3 0
                                    

//Third Person's POV

"Breaking News! One of the most influential business tycoons is here in the Philippines and we are here at the Ninoy Aquino International Airport waiting for his arrival. Makikita nga po ninyo sa aking likuran na sobrang daming bodyguards ang nakakalat para masiguro ang kaligtasan ng taong ito. Marami ring tao ang naghihintay sa pagdating ng nag-iisang Mr. Kimura Villamorsoza, ang CEO ng Villamorsoza Group of Companies, but the question is, why is here in our country? Back to you, Angel," sabi ng reporter.

"The one and only. Talagang makapangyarihan pa rin sya until now," sabi ni Athena habang nagsusuklay ng kanyang buhok at nanunuod sa loob ng apartment nila.

"Ganyan talaga. Kahit sang parte ng mundo, kilala yang si Mr. Villamorsoza. Marinig pa lang ang pangalang yun, nakakakilabot na. Haaay. Kahit parents ko, tinitingala yan eh. He's so rich," sabi ni Jess habang nag-aayos ng kanyang gamit.

"Haaay nako. Tara na nga lang kumain dito. Malelate tayo parehas nyan, sige ka." Sabi ni Jess kay Athena kaya pumunta na sila sa kusina para kumain.

Pumasok na si Athena sa RCU pero ang nakita lamang nya ay ang mga estudyanteng pakalat-kalat. Ang dami naman yatang estudyanteng nakakalat ngayon? Sabi ni Athena sa kanyang sarili habang nakatingin sa lahat. Agad naman nyang napansin sina Alisha at Daynara na palapit sa kanya.

"GoodMorning Athena!" bati ni Daynara rito at niyaakap pa sya.

"GoodMorning. Anong meron? Bat ang daming estudyanteng nakakalat? Magttime na ah?" takang tanong ni Athena sa dalawa.

"No classes ngayon dahil darating ngayon si Mr. Villamorsoza sa bansa." Sagot ni Alisha.

"H-Huh? Bakit pupunta ba sya rito sa school?" tanong muli ni Athena.

"OMG. Mangmang talaga. Walang alam." Sabi ng isang estudyante na malapit sa kanila.

"Ano ba yan? Iba talaga pag mahirap." Komento ng isa pa.

"Don't mind them. Tara na lang sa ACES Room." Sabi ni Daynara at hinila na sina Alisha at Athena.

ACES Room...

Pagdating nila sa ACES Room, agad-agad na huminto si Athena kaya napatingin sina Alisha at Daynara sa kanya. Umiiling si Athena sa dalawa pero agad na ngumiti si Alisha.

"Don't worry. He's not here and besides, we already knew everything. Na kontrata lang ang lahat. Na fake lang ang relationship nyo. Sinabi nya saming lahat nung tinapos nyo na lahat." Sabi ni Alisha. Isang linggo na rin ang nakakalipas nang hindi pansinin ni Athena ang mga tawag at texts ni Clyde sa kanya.

"AT. Sinuntok lang naman sya ng sobrang hard ni Zac sa mukha. We don't know why. Baka may gusto sya sayo. Ayiieeeee." Sabi ni Daynara at nagtataas-baba ng kilay habang sinusundot si Athena sa tagiliran.

"A-Ano ba kayo. Magaan lang ang loob ko sa kanya." Sabi ni Athena sa dalawa.

"Aminin mo na. Gusto mo sya. Wala namang masama. Gwapo sya at matalino. Macho pa. Okay lang yan. Uuuuuyyy." Birong muli ni Daynara at nginitian pa si Athena ng nakakaloko.

"Ano ba! Hindi nga kasi e!" nahihiyang sabi ni Athena.

"Tama na nga yan, Daynara. Tara na lang sa loob." Sabi ni Alisha at binuksan ang pinto. Pagpasok nila ay tanging si Drew lang ang andoon.

"Oh. Drew. Where are the others?" takang tanong ni Alisha.

"Wala sila. Sina James at Rance ay andoon sa NAIA with their parents. Iniintay ang pagdating ni Mr. Villamorsoza. Pati ang kambal mong si Lei andon din. Si Wilson naman, naghahanda na rin kasama si Ate Nemiah tapos si Clyde, ayun. Busy sa kompanya nila." Sagot ni Drew na bored na bored.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now