Part XVII. Shooting Team

194 8 0
                                    



//Athena's POV

"Please Athena? Sumama ka na samin oh?" sabi ni Alisha at kumapit sa braso ko.

"It's been a week since nung huli. Pleaaaase?" sabi naman ni Daynara sakin at kumapit sa kabilang braso ko.

"I'm sorry sa inyong dalawa pero ayoko talaga." Sabi ko at nag-ayos na ng gamit ko para pumunta na sa club room namin. Sports fest na kasi next week.

"Miss ka na kaya ni Rance at ni Kuya Kambal. Tapos hinahanap ka rin ni Kuya Wilson at Kuya Zac. May binili ngang ice cream si James para sayo eh, ayaw nga nyang ipakain sa amin eh. Tapos si Drew, kinukulit kami na papuntahin ka doon." Paliwanag sa akin ni Alisha.

"Pasensya na talaga. Yung ice cream, sabihin nyo kay James na salamat na lang tapos ipakain na lang sa inyo." Ngumiti ako sa dalawa pero sumimangot naman sila sakin.

"Tama siguro si Kuya Zac. Iniiwasan mo yata si Clyde kaya ayaw mong pumunta sa AR." Sabi ni Daynara kaya bigla akong napatigil sa ginagawa ko.

"Aha! So totoo nga. Ano naman ang ginawa sayo ng damuhong lalaking yon ha?" sabi ni Alisha.

Totoo naman yung sinabi ni Daynara. Ayokong makita ang pinsan nya. Ang bastos na lalaking yon. Saka paano naman nalaman ni Kuya Zac yung pag-iwas ko kay Clyde?

"Wag nyo ng intindihin pa iyon. Pakisabi na lang sa kanilang lahat na may training kami ngayon and we are aiming for the gold." Sabi ko at nagsimula ng maglakad palabas ng room namin. Hindi pa man ako nakakalapit sa pinto, hinila ako ni Daynara at hinarap sa kanya.

"ANO YON?! Training?! Gold?!" sabi ni Daynara habang hawak ako sa balikat. Tumango lang ako bilang sagot habang nangingiti dahil ang cute nyang tingnan.

"Ibig bang sabihin nun ay...kasali ka sa Sports Club?!" tumango ako kay Alisha at literal naman silang napanganga na dalawa.

"WHAT?! Anong sports yon?!" tanong nilang dalawa sakin. Ngumiti lang ako sa kanila at nagsimula nang pumunta sa locker ko para kunin ang pamalit ko.

"Athena naman eh! Wag mo kaming ngitian lang! Sagutin mo kamiiiii!"

"Secret muna. Walang clue." Sabi ko sa kanila at ngumiti ulit.

"Pero..." sagot ni Daynara. Hinarap ko naman sya at hinawakan silang dalawa.

"Malalaman nyo rin. Don't worry. Oh paano? Mauna na ako ha?" sabi ko sa dalawa at dumiretso na sa CR para magpalit ng damit.

Pagkatapos kong magpalit ng damit dumiretso na ako sa club room namin. Sa maniwala kayo at sa hindi bukod sa pagiging School Council President ko ay captain ako ng sports na sinalihan ko.

//Daynara's POV

Pagkatapos magpaalam sa amin ni Athena ay dumiretso na kami agad sa ACES Room. Andito silang lahat at mga nakapanlaro na sila. Kung sabagay. Simula na ng puspusang training para sa Sports Fest next week. Sa ACES, si Kuya Zac lang ang walang sports na sinalihan.

Andito sya ngayon sa living room at nagbabasa ng libro. Yung librong sinabi nyang ipahihiram nya kay Athena, nasa book shelf namin at nakahiwalay iyon sa iba pa. Nakalagay nga sa baba ng books ang mga salitang 'HANDS OFF' kaya naman wala talagang nagkakamaling hawakan ang mga yon.

"Si Athena ba, hindi nyo mapilit na bumalik dito?" biglang tanong samin ni Kuya Zac habang nakafocus sya sa librong binabasa nya. Nagkatinginan kaming agad ni Alisha.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now